Presidente ng NBSB Entry 58: Retreat: Date

331 24 6
                                    

Retreat: Date

     Yung nararamdaman ko sayo, parang pagtatanim. Hindi biro

-----

Kinagabihan ay nagkaroon kami ng bonfire dahil last night na ng retreat. Lumabas kami at pumunta kung saan gaganapin ang bonfire. Alangan naman diba sa loob kami magsunog? Edi nadamay yung retreat house.

Medyo tuyo naman na ang jacket kong nabasa kanina kaya yun na ang sinuot ko. Pinabalik ko kay Ely ang jacket kay Jendrick.

Nang makapunta kami sa labas at nakapalibot ang ilan sa may bonfire. Dala namin ang sulat na gawa ng magulang namin dahil babasahin namin ito ngayon. Nananalangin ako na sana matino ang sinulat ni Mama dito.

Nakita kong may hawak na stick si Camille at may marshmallow doon at niluluto sa apoy. Lumapit kami doon at tumabi ako kay Camille, katabi ko si Ely. Nasa kanan naman ni Camille si Maica.

Binigyan ako ng stick ni Maica at inabutan ng pack ng marshmallow. Kumuha ako doon at tinusok sa stick saka ginaya ang ginagawa ni Camille. Ganoon din ang ginawa ni Ely.

Nang halos kumpleto na kami ay napagdesisyunan nila na magsimula na dahil madami dami kami at aabutin kami ng siyam siyam kapag late na kami nagstart. Nagsimula sila ABM. Habang nakikinig kami sa sinasabi nila ay kumakain kami ng marshmallow.

Nang si Christian na ang magsasalita ay kumaway-kaway pa siya sa amin at dahan-dahan na binuksan ang papel. Animo'y judge na mag-announce ng winner. Habang binabasa niya ang sulat ay may action pa siyang ginagawa kaya tumatawa ang ilan sa kanya.

"Tanggap ka namin kahit ano ka pa...Teka alien ba ako? Hindi ako nainform" at may pa side comment pa siya sa sinasabi ng magulang niya. Pinagpatuloy niya ang pagbabasa at doon sa part na nakakaiyak ay kunwaring nagpupunas siya ng luha kahit wala naman luhang lumalabas sa mata niya.

Nagbow siya ng matapos basahin ang sulat. Matagal-tagal din ang hinintay naming mga STEM ng kami na ang magbabasa sa harap. Ramdam ko ang pamamanhid ng pwet ko sa sobrang tagal ng pagkakaupo namin.

Dumighay na rin ako dahil halos ako ang umubos ng marshmallow. Tinusok ko ang straw sa zest-o at ininuman. May mga tamang haba lang ang sulat, may mga mala-charo sa sobrang haba. Nang girls na ay kinabahan ako dahil letter C ako, alphabetical order pa naman. 

Kumuha ako ulit ng marshmallow at kinain at uminom ng zest-o. Dahil nandoon lang ang atensiyon ko ay halos mabilaukan ako ng tinawag ang pangalan ko. Umubo-ubo pa ako saka tumayo.

Nang makarating sa gitna ay nakatingin silang lahat sa akin. Syempre nasa gitna ako. Huminga ako ng malalim at binuksan yung sulat. Lihim akong napadasal na sana matino ang nilagay ni Mama dito. Umubo ako ulit bago ko basahin ang sulat.

"Dea anak, gragraduate ka na pero dadalawa pa lang lalaki ang pinakilala mo sa amin. Ay tatlo ata?"

Mariin akong napapikit ng mabasa ko iyon, sabi ko na. Narinig ko ang tawanan ng iba at syempre nanguna ang mga kaklase ko sa pang-aasar sa akin.

"Nako sino ang mga pinakilala mo Dea?"

"Matik na kilala na si Gelo pero sino yung iba"

Pinatahimik sila ni Ma'am at pinatuloy ako sa pagbabasa. Ngayon pa lang hindi na maganda ang kutob ko sa sulat ni Mama.

"Maganda ka naman, mana sa akin. Pero wala ka pa ring boyfriend. Kinakabahan ako sa iyo baka tumanda kang dalaga. Maunahan ka pa ng kapatid mo. Pero okay lang naman, may gwapong sumundo sayo sa bahay. Yung isa nung wala ako, yung isa inaya kang lumabas."

Presidente ng NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon