Presidente ng NBSB Entry 18: Date no More

496 25 0
                                    

Date no more

*tok* *tok*

Hindi ko pinansin yung kumatok at binalot ko yung sarili ko ng kumot.

"Tanghali na Dea. Baka gusto mong bumangon"

"Inaantok pa po ako"

"Kanina mo pa yan sinasabi di ka naman nakakatulog. Bangon na" sabi ni Mama at tinanggal yung kumot sa katawan ko. 

"May sakit ka ba?" tanong ni Mama at nilagay yung kamay niya sa noo ko. 

Umiling ako, "Wala po"

Tinitigan ako ni Mama, "Bakit matamlay ka?"

"Wala lang po siguro ako sa mood" sabi ko at hinila ang kumot

Hindi na nagsalita si Mama kaya akala ko ay umalis na siya. Hindi ko din maintindihan yung sarili ko bakit parang ang tamad ko this past days. Hindi ako makausap ng matino nila Ely. Actually di naman talaga ako matino kausap minsan. 

Pero basta yun nga, parang wala akong gana sa lahat ng bagay. Pati sa training nadala ko, napagalitan tuloy ako ng coach namin.

Hindi ko alam kung napansin ba ni Ely or ni Gelo kung bakit ako ganoon. Wala akong pinagsabihan ng nangyari nung nakaraan. Yung natanggap kong milktea. Isa lang naman ang tumatawag sa akin ng ganoon. Pero ayokong mag-assume na siya yon. Malay mo maling padala lang yon diba.

"Bumangon ka na diyan" sabi bigla ni Mama

"Ayoko pa nga po"

"Papunta na si Gelo dito kaya mag-ayos ka diyan"

Napatingin ako kay Mama, "Ano po?"

Nilapag niya lang yung cellphone ko sa drawer at umalis. Kinuha ko yung cellphone at pumunta sa messages ko. Nakita ko yung message ni Mama kay Gelo.

"Tara date tayo"

Tinakpan ko yung buong mukha ko at doon sumigaw. Baka kasi pagalitan ako pero, SI MAMA TALAGAAAAAAA!!

+++++

*SA SM*

"Saan mo gusto kumain, Babe?"

"Tigil-tigilan mo nga ako Gelo"

"Ih ang sungit naman ng Babe ko"

Tumigil ako sa paglalakad kaya naman napatigil din siya. Hinarap ko siya at sinapak yung braso niya. "Ang harot mo kahit kelan"

Tumawa si Gelo, "Ikaw kaya ang maharot diyan. Tamang text lang ng, 'Tara date tayo'. Ikaw ha"

Akmang sasapakin ko ulit siya ng lumayo siya sa akin, "Hindi nga sabi ako yon"

"O bakit defensive ka" sabi niya habang pinipigilan yung sarili na tumawa

"Ikaw kasi kanina mo pa ako inaasar dahil doon"

Lumapit siya sa akin at umakbay sa akin. "Ikaw Dey, ang sungit-sungit mo. Meron ka ba?"

Siniko ko siya kaya naman napa-aww siya, "Joke lang ito naman ang sungit talaga" sabi niya at nagsimula siyang maglakad. At dahil nakaakbay siya sa akin, nahila niya akong maglakad

"O dali saan na tayo kakain, Babe"

"Pag ikaw di tumigil diyan sa kaka-Babe mo, gagawin kitang bibe diyan"

Presidente ng NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon