Explanation
The biggest mistakes you'll ever make are the risks you were too scared to take
-----
Walang umimik maski isa sa kanila. Kasalukuyan naming hinihintay si Drake ngayon para dalhin si Faith dito.
Nanatili akong nakaupo ganoon din ang iba. Si Christian lang ang nakatayo sa amin at naglalakad.
"This is too much" sabi niya at humarap sa akin, "Totoo ba ang lahat ng iyon?"
Tumango ako. Wala na ring silbi na hindi ako umamin. Isa pa hindi ko naman ginustong itago talaga iyon.
"Bakit?"
"Mamaya na Christian hintayin muna natin si Faith" sabi sa kanya ni Gelo.
Napaupo si Christian sa tabing upuan nito at sumandal.
"Hindi ko naman talaga gustong gawin iyon" sabi ko at ramdam kong tumingin sila sa akin.
"It's just, komplikado kasi"
"This is my fault" sabi ni Adrian
"No. Kahit saang anggulo tingnan ako ang may kasalanan" sabi ko. "Matagal ko ng kilala si Adrian. Gaya ng sabi ni Yang kanina niligawan ako ni Adrian nung junior high and almost one year din iyon"
"Pero bakit mo sinabi na walang nanligaw sa iyo?"
"Kasi iyon ang tinatak ko sa isip ko" sinandal ko ang siko ko sa mesa at napayuko. "Kahit sinabi niya na liligawan niya ako, kahit anong gawin niya. Hindi ko inisip na totoo iyon. Na nagbibiro lang siya"
Nakita kong napanga-nga si Christian. Mukhang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Sinasabi mo ba na sa kahit anong effort ng taong ito? Hindi pumasok sa isip mo na totoo talaga yung ginagawa niya? Sa halos mag-iisang taon niyang ginawa iyon. Hindi....Hindi ka naniwala?!"
Tumango ako, "Wow. Hindi ko alam kung maiinis ako or ano. Jusko Dea"
"I liked him"
"Ano?!" tumingin siya kay Adrian, "You what?"
"I liked him. Gusto ko siya nung junior high. Si Adrian"
"Gusto mo siya noon tapos hindi ka naniwala sa kanya?!" napahilot si Christian. "You...jusko Dea. Anong klaseng pag-iisip ang meron ka nung junior high? Naalog ka ba? Nakadroga?"
Napabuga ako. Oo alam kong nakakstress ang ginawa ko. Siguro nga naalog ako nung mga oras na iyon at bakit ganon ang ginawa ko.
"Tapos gusto mo pero hindi naging kayo?"
"Naging gago ako noon" sabi ni Adrian kaya napatingin sa kanya si Christian, "I get tired sa sitwasyon namin. Doon pumasok sa eksena si Faith, naging girlfriend ko siya"
"And then naging parang bitter ka tapos sinabi mo na walang nanligaw sa iyo, wala kang naging crush when the truth is meron naman talaga pero dahil nga tinatak mo sa isip mo noon na hindi iyon totoo. Kaya ka humantong sa pagiging bitter sa mga lalaki dahil akala mo trinaydor ka ng taong gusto mo pero hindi naman pala ganoon ang ginawa niya tapos..." napahinga ng malalim si Christian, "Myghad hindi ko kinakaya ito"
Tumingin si Christian kay Alex, "Alam mo ang lahat ng ito?"
"Oo"
"Tapos hindi mo sinabi kay Faith. Alam din ba ito ni Drake?"
BINABASA MO ANG
Presidente ng NBSB
Teen FictionIto ang kwento ng isang babaeng wala atang interes magboyfriend. Ang tangi niyang goal, makasurvive sa highschool ng hindi nakakapagboyfriend. Bakit ito ang naisipan niyang target? Dahil sa highschool life ng isang tao, hindi uso ang NBSB kasi ang u...