Presidente ng NBSB Entry 3: Bestfriends

738 37 0
                                    

Bestfriends

"Napakawala mo talagang silbi famous" sabi ni Ely pagkarating ko ng bahay. 

Tamad akong umupo sa sofa namin. "Wala ka bang sasabihin"

Hanggang ngayon lutang pa din ako dahil sa nangyari kanina sa National Bookstore. Yung Cosmo magazine tapos yung NBS Boy pa. Sa sobrang lutang ko, muntik na akong masagasaan ng kotse patawid sa parking lot ng SM. 

Nasigawan pa ako ng driver, kung magpapakamatay daw ako wag daw ako mandadamay ng tao. Buti pa yung muntik ng makasagasa sa akin sa SM, sinigawan ako. E yung isang driver na akala mo di ako-eexist, wala man lang sinabi. Maski sigaw wala. 

Di ko alam kung dapat ba akong matuwa kasi di ako sinigawan? O mainis kasi yung matanda lang napansin tapos akong natapunan ng fishball na mas malapit ng mamatay e di pinansin? Ay ewan ko.

Yung NBS Boy naman, di man lang ako pinigilan sa may cashier nun. Huhuhu, tinawanan pa ako pero dapat ba akong matuwa kasi nalibre ako sa kabila ng kahihiyang inabot ko? O mainis kasi tinawanan ako kaya nangyari yung kahihiyang yun?

"Hoy!"

Nagulat ako sa sigaw ni Ely, "Huh?"

"Myghad Dea Mariz kanina pa ako nagsasalita dito tapos yang utak mo lumilipad kung saan-saan"

Pinanliitan ko siya ng mata nang banggitin niya yung buo kong pangalan, "Ano na naman ba Jan Elyssa?"

Ngumuso siya. "Huhuhu, bakit kasi di mo ko sinama?"

Napasapo na lang ako sa noo ko. Paano ko ba naging kaibigan ang isang ito?

"Yan lang ba ipinunta mo dito?" tanong ko at sumandal sa sofa. Umupo siya sa tabi ko. 

"Oo. Pero na-add na pala kita sa closed group. At pwede ba pakipalitan na yung highschool mo sa facebook. Di ka na sa dati mong school nag-aaral"

"Oo. Mamaya na"

Tinitigan ako ni Ely. "Sabihin mo nga. May ginawa ka na namang kashungahan ano?"

Hinilot ko yung sentido ko at kwinento sa kanya yung nangyari sa National Bookstore at ang muntikan ko na ding pagkabangga sa may parking lot. Kwinento ko din yung nangyari nung isang araw, yung muntikan din akong masagasaan.

Tawa ng tawa si Ely hangga't sa pinalayas ko siya ng bahay. Sinarado ko yung gate naming pero hanggang sa makapasok si Ely sa bahay nila ay naririnig ko pa din yung tawa niya. 

Pagpasok ko sa bahay, nadaanan ko ang kapatid kong nakaupo sa kaninang pwesto ko habang nanonood ng tv. 

"Bakit tumatawa si Ate Ely?" tanong niya. 

"Psh, ewan ko sa babaitang yun" sabi ko at dumiretso sa kwarto ko.

Humiga ako sa kama ko. Di mo kasi iniiwan katangahan mo Dea ayan tuloy. 

Napatingin ako sa drawer ko at nakita yung librong binili ko. Tumayo ako at kinuha yun. Naalala ko na naman yung scene sa NBS. Napatawa na lang ako lalo na ng maalala ko yung lalaki. 

Nainis ako dahil nagmukha akong ewan doon pero napangiti na lang sa ginawa nung lalaki. Nahihibang na ako. Di niyo siguro ako maintindihan. Ako din di ko maintindihan ang sarili ko.

*TOK-TOK*

Magsasalita pa lang ako ng bumungad sa akin ang magaling kong kapatid.

"Asan pala yung pinabibili ko?"

Nagtaka ako sa sinabi niya. Napansin niya ata yung itsura kong may question mark.

"Yung donut na pinapabili ko" sabi niya. 

Presidente ng NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon