Presidente ng NBSB Entry 38: Maniwala

360 21 3
                                    

AUTHOR: para sa isang reader na nag-aabang sa susunod na mangyayari. This is for you yihiiiiii. Enjoy reading and stay homeeee guys :)

-----

Maniwala

     Sometimes, I'm afraid to tell you how I feel

-----

(Ito po ay continuation ng pagkwekwento ni Dea)

"Gusto kita pero hindi kita liligawan. We should stick to this; we should stick from being friends"

Paulit-ulit yan na tumatakbo sa isip ko. Ha, gusto ako ng tao. Umamin nga sayo pero di man lang nanligaw.

Napabangon ako agad sa kama at ginulo yung buhok ko. Putek! Kinuha ko iyong unan ko at tinakpan ang mukha gamit ng unan. Doon ako sumigaw

LINTEK KA ADRIAN MADRIGAL!!!!

Tumunog yung cellphone ko at inis kong sinagot iyon.

(Ey Famous. Labas ta---)

"ELYSAAAA!!!!"

Mukhang nailayo ni Ely yung phone niya dahil sa biglaan kong pagsigaw. Siguro nabasag ko iyong eardrums nito

(BAKIT KA BA SUMISIGAW DIYAN HA?!)

At dahil Grade 10 na ako ngayon, tinatanong ako ni Mama kung saan ko ba raw gusto magsenior high. Kung gusto ko bang mag-stay or lumipat sa eskwelahan nila Ely.

"Kailangan ko ng fresh air. Feel ko masusuffocate ako dito" sabi ko

(Saan mo naman balak pumunta?)

"Kahit saan"

Ang kahit saan na sinabi ko ay natagalan din kami sa pagpili dahil yung mga sinusuggest niya ay di ko trip. Kaya ang ending namin, nandito kami ngayon sa KCT.

Tinawagan ko rin si Gelo at inaya, kailangan ko lang mailabas ito.

"Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa, gusto niya ako. Pero, hindi naman siya manliligaw? ANO IYON?! MERON BANG GANON?!" inis na sabi ko at napahawak sa ulo.

"E diba ikaw na rin mismong nagsabi na hindi siya nanliligaw?" sabi sa akin ni Ely

"So ako dapat ang manligaw ganon?"

"You know him Dey, baka natatakot lang iyon. Lumaki siya sa broken-family. You think madali iyon sa kanya?" sabi ni Gelo.

Ininom ko iyong shake na binili namin at napatingin ako sa kawalan.

"Minsan ka na nga lang magkaroon ng lovelife ang komplikado pa" sabi ko at bumuga ng hangin.

"So ano kayo ngayon?"

Tumingin ako kay Ely, "Ewan wala naman siyang sinabi. Yun na iyon" sabi ko. "Bakit parang ako pa yung nabusted sa sinabi niya"

Naibagsak ko yung kamay ko sa mesa at nagulat yung dalawa, "ODE FRIENDS NA KUNG FRIENDS HAHAHA UMASA BA AKO NA LILIGAWAN NIYA AKO? HINDI NO" sabi ko at tumawa.

Habang tumatawa ay napatingin ako sa dalawa na sobrang nawierduhan sa ginawa ko. Kaya unit-unti kong tinigil yung pagtawa ko at yumuko,

"Tangina" hindi na ako nakapagtimpi at napamura na lang ako.

Halos maibuga naman ni Ely yung iniinom niya at nasamid naman si Gelo dahil sa narinig nila.

"Did..Did I just hear you cuss?" sabi ni Ely na nanlalaki pa yung mata niya. Umiling naman si Gelo sa tabi niya, "Wala na" sabi ni Gelo.

Presidente ng NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon