Presidente ng NBSB Entry 66: Mon Bonheur

357 22 9
                                    

Mon Bonheur

JENDRICK ACE DELA CRUZ

"Bakit mo ba kailangang umalis sa team?" tanong ko habang nililigpit ang gamit ko.

Hindi siya sumagot. Hindi ko maiwasang isipin ng dahil sa babaeng nasa ibang school. Pero bakit niya pa kailangang umalis? I heard girlfriend niya na si Faith?

Mas lalo ko ulit akong naguluhan ng sumama siya sa akin sa bar. I know na bawal pa kami dito pero madali namang malusutan ang nagbabantay.

"Desidido ka na bang umalis?"

"Oo"

Buti pa ito nagpapaalam kapag umaalis, sana ikaw rin nagpalaam. Hindi ko maiwasang mapailing ng maalala ang panahon kung kailan siya umalis. Wala akong matandaan na dahilan para iwan niya ako.

She just disappeared without saying anything. All she left was a paper saying we should break-up. Paano naman ako tatanggi gayong umalis na siya. May magagawa pa ba ako? Syempre wala.

Kahit bata pa lang kami hilig niya ng magdesisyon ng siya lang. Isa iyon sa nagustuhan ko sa kanya. Pero hindi ko akalaing gagamitin niya iyon sa akin.

Lahat naman ng desisyon niya nirerespeto ko. Pati nga ang pagtatago sa relasyon naming dalawa ay pumayag ako. Dapat rin ba akong pumayag dito? Syempre oo, wala na rin naman siya.

"Lumipad na po sila papuntang America"

It's been one year. Isang taon na siyang wala dito. Nagdeactivate na rin siya ng account niya. Isang taon simula ng iwan niya ako pero hanggang ngayon siya pa rin.

"Hinay-hinay JC" sabi sa akin ni Adrian.

Umiling lang ako at uminom. Hindi naman ako ganoon kadaling tamaan ng alak. Hindi ko alam kung gaano na kami katagal dito. Pero napagdesisyonan naming umalis na bago pa kami tuluyang malasing.

Nauna ako sa kanyang maglakad pero agad ding huminto ng may marinig ako.

"Ano ba? Sabing bitawan mo ako"

Hindi ko na sana iyon papansinin kaya lang kilala ko ang boses na iyon. I just found myself protecting her despite of what she did.

Pinigilan ko yung lalaking humihila sa kanya. Nagulat siya ng makita ako.

"Sino ka ba ha?!" 

Hindi ko pinansin yung lalaki at hinawakan ang kamay ni Maica. Kaya lang ay humarang siya sa amin bago pa kami makaalis na dalawa.

"Wag kang bastos kinakausap pa kita"

Hindi ko siya ulit pinansin pero uminit ang dugo ko sa kanya ng hinawakan niya sa kabilang braso si Maica kaya binigyan ko ng suntok ang lalaki. Pero dahil sa ginawa ko ay nagkagulo. May mga kasama pala siyang iba.

Pero iyon ata ang naging paraan ni Adrian para makaalis sa team. Sumali siya sa gulo kahit alam niyang bawal.

Nasuntok ako ng isa sa kasama niya pero wala akong pakialam. Maya-maya ay dumating ang mga nagbabantay at pinatigil kaming lahat. Inalis ko ang pagkakahawak sa akin at pumunta sa harap ni Maica.

Nakita ko kung paano siya kabahan. Huminto ako sa harap niya, "Bakit ka nandito? Akala ko umalis ka?"

"Uhm.."

Presidente ng NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon