Presidente ng NBSB Entry 4: First Day

676 36 0
                                    

First Day

*KRIIINGGGGGGGGGG*

Pinatay ko ang alarm clock ng nakapikit. Bakit ba ang bilis ng oras? Yung tipong nasayo na nga tapos bigla nalang mawawala. Parang yung Ms. Universe lang noon, akala ni Ms. Colombia siya na tapos hindi pala. Hay nako, nag-uumpisa na naman ako. Sorry po.

Iidlip na sana ako nang, "FAMOUS!!"

Halos mahulog ako sa kama ko ng may sumigaw. Bumangon ako at nakita si Ely na nakatayo sa pintuan at nakauniform. Nakakrus ang mga braso niya at nakataas ang kilay, 

"Sinasabi ko na nga ba. Buti na lang at pinuntahan kita." 

Lumapit siya sa akin at kinaladkad papuntang C.R, "Magbihis ka na nga para hindi tayo malate. Huwag mo kong idamay sa loyalty mo sa late"

Oo first day na, AGAD-AGAD! 

"Pwedeng magsibilyan ako?"

"Depende sayo, pero kung ako sayo, mag-uniform ka dahil hindi uso sa school namin ang sibilyan tuwing first day. Kahit na transferee ka"

Umalis na si Ely at ako, naligo na. Alam na alam ni Ely ang ugali ko. Kailangan niya pa akong sunduin kasi kahit na nag-aalarm ako e matutulog pa din ako, kaya ang ending.... LAGI HO AKONG LATE.

Pagkatapos kong maligo ay nagpatuyo ako ng buhok at sinuot ang uniform kaso yung palda, bakit ganon? Napakamot ako sa ulo ko, di ko pala sinukat ito. Sinabi ko lang kay Mama na sinukat ko. Tsk dapat sinukat ko talaga ng na-adjust sana yung palda.

"FAMOUS! DALIAN MO"

"Oo na"

Bahala na, sinuot ko yung uniform pati yung footsocks ko. Lumabas ako ng C.R at dumiretso sa kwarto ko. Kinuha ko yung bag ko at yung heels. Opo heels. Required sa aming mga Senior High students. 

Dumiretso ako agad sa hapag at kumain sa mabilis na paraan at sa abot ng aking makakaya dahil ramdam ko na ho yung aura ni Ely sa sala. Napapalibutan ng itim.

Pagkatapos kong kumain e tumakbo agad ako papuntang lababo para magtoothbrush. Pagkatapos ay nilagay ko yung toothbrush ko pati yung colgate (kunwari sponsor ng colgate) at nilagay sa bagpack ko. 

Tumayo si Ely ng nadaanan ko siya sa sala namin, sinuot ko yung heels ko pati na din yung bagpack ko.

 "Dea, ang baon mo" sabi ni Mama ng iniabot sa akin yung pera. 

Nilagay ko yung pera sa pitaka ko at nagpaalam kay Mama, "Aalis na po kami" 

"Mag-iingat ka" sabi niya

Lumabas kami ng bahay at nag-abang ng tricycle,

"Ang bagal talaga kahit kelan"

"Sorry naman"

Agad kaming sumakay ng tricycle ng may pumara sa harap namin. Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na kami sa school. Pagkababa sa tricycle ay nagbayad kami at napatingin ako sa school.

GERONA JUNIOR COLLEGE

Malaki talaga ang school na ito, "Tara na sa loob" at hinila ako papasok ni Ely. 

Bumukad sa amin ang mga estudyanteng nakalinya na sa kani-kanilang section. Ang daming estudyante. 

"Kitam, muntik na tayong malate, Dea Mariz" sabi ni Ely habang hila-hila ako. 

"Anong oras ba yung flag ceremony?" tanong ko, 

"Tuwing lunes lang ang flag ceremony at 7:15 yon at the rest day ng week 7:30 ang pasok" sabi niya. 

Presidente ng NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon