Welcome
"Inhale......Exhale. Repeat after me, Inhale....Exhale" sabi ni Ely.
Ginawa ko yung sinabi niya.
"Oh okay na?" sabi niya.
Umiling ako, "Hindi pa din" sabi ko.
"Oh..oh, walang iiyak. Asan na ba kasi si Angelito, ang tagal naman bumili nun ng tubig" sabi ni Ely habang tumitingin sa paligid. "Wag ka ngang tense, pati ako natetense sayo e" sabi ni Ely ng mapatingin siya sa akin.
"E ikaw kaya magsalita sa harap ng maraming tao hindi ako matetense?" sabi ko at napahawak sa noo.
Pinalo ako ni Ely, "Umayos ka nga, hindi ito yung first time mo"
"Pero first time ko itong gawin sa GJC" sabi ko.
"Asan na ba kasi si Angelito?"
"O narinig ko na naman pangalan ko" sabi ni Gelo. Hinablot ni Ely yung tubig sa kamay ni Gelo at binigay sa akin.
"Wow thank you ha" sabi ni Gelo.
"Welcome" sagot ni Ely.
"O famous uminom ka, baka sakaling di ka na tense." Ininom ko yung tubig pagkatapos ay iniabot kay Ely.
"O ano?"
"Ninenerbyos pa din ako" sabi ko.
Pumalakpak si Ma'am Adele kaya naman napatingin kami sa kanya. "Okay guys, magsisimula na ang program" sabi niya.
Huminga ako ng malalim, "Kaya mo yan famous" sabi ni Ely at nag-aja pa siya. Ngumiti at tumango. Maglalakad na sana ako ng may pumigil sa akin. Lumingon ako,
"Isipin mo na lang na pagkain yung mga nasa harap para hindi ka matense diyan" sabi ni Gelo. Ginulo niya yung buhok ko, "Hihintayin ka namin dito sa backstage" sabi niya habang nakangiti sa akin.
Ngumiti din ako, "Dea, halika na" sabi ni Ma'am Adele kaya naman nagpaalam na ako sa kanilang dalawa.
Ngayong araw, magpapakilala kaming mga tatakbo sa SC, hapon ang event na ito kaya shorten lang kami at bukas ay shorten period ulit daw dahil sa hapon ay boboto ang mga estudyante. Marami kaming sumali, halos ang mga kasamahan ko ay miyembro dati ng SC o di kaya'y dati na ding naging part ng SC at nagbabalik lang.
May mga naging close din ako, halos mga kabatch ko din pero may mga ilan din naman sa lower year. Tatatlo lang ata kaming Grade 12. Napagdesisyunan namin na by Grade year ang pagiintroduce, Majority ay pumayag kaya naman magsstart kami sa Grade 7. Gaya nga ng sabi ko noon, wala kaming position na sasabihin dahil kung sino ang mananalo, sila-sila ang mag-aasign ng position.
*Dug Dug*
Kinakabahan ako, *Inhale* *Exhale*
Pabalik-balik ako sa paglalakad habang isa-isa na kaming nagpapakilala
"Dea, nahihilo ako sa ginagawa mo" sabi ni Christian. Siya yung isa kong naging close dahil dito.
"Kinakabahan ako" sabi ko. "Hug mo nga ako" dagdag ko kaya naman lumayo sa akin si Christian. Napatawa na lang ako sa ginawa niya.
"Kadiri ka talaga Dea. Hindi tayo talo sabi" sabi niya kaya mas napatawa ako.
"Sige na Christian" sabi ko habang lumalapit sa kanya.
"Yak. Lumayo-layo ka nga sa akin" sabi niya. "And please stop calling me Christian. Sta. Marina nga sabi"
"Bakit? Maganda naman name mo"
BINABASA MO ANG
Presidente ng NBSB
Teen FictionIto ang kwento ng isang babaeng wala atang interes magboyfriend. Ang tangi niyang goal, makasurvive sa highschool ng hindi nakakapagboyfriend. Bakit ito ang naisipan niyang target? Dahil sa highschool life ng isang tao, hindi uso ang NBSB kasi ang u...