Buwan ng Wika 1.0
"Dea! Okay na ba yung sa birthday mo?" sabi mo ni Mama.
"Opo"
"Iwan mo yung listahan bago ka umalis ha"
"Opo"
Mas excited pa si Mama sa akin sa birthday ko kesa ako. Tanda ko na, pero ang cute ko pa din.
Hindi ako nag-invite sa room hehe wala lang. Ayoko ng masyadong madaming bisita, kahit sabihin nating wag ko raw isipin ang gastusin ay hindi ko magawa. Syempre may utak ako.
Ako na rin kasi ang kuripot
Gusto ko rin sana iinvite si Drake, kaso baka sumama si Khalyl, maingay yon. Syempre parang unfair din naman kung si Drake lang iimbitahan ko diba? Isama na rin si Miko, baka mabash pa ako ng wala sa oras.
Edi ibash mo rin sila Dea
Uy wag ganon, mabait kaya ako.
Ay weh? Saan banda?
Tingnan niyo, nabaliw na ako rito. Kinakausap ko na sarili ko. Kasalanan ito nung glitters na dinala ni Jendrick.
Dalhin ba naman ako sa banyo ng mga lalaki?
Sa school ay inasikaso ko yung mga dapat gawin para sa Buwan ng Wika, at heto ngayon sa room ay namimili kung sino ang isasali sa Lakan at Lakambini. Meron na sa kabilang section at gusto nila dito sa section namin. At ngayon ay nakatayo ako sa harap kasama ang aming adviser pati na rin ang teacher namin sa Filipino na si Sir Ed.
Iniiwasan kong tumingin kay Ely dahil alam ko kapag lumingon ako sa kanya. Mababasa mo sa itsura niya na, Famous ako na ang isali niyo.
Hindi ko alam saan siya humuhugot ng confidence niya sa sarili niya, ang taas kasi. Katulad ng taas ng confidence ni Khalyl.
Sa bawat year level kasi ay may apat na pairs dapat isasali. Ang mga adviser nang bawat section ang bahala kung sino ang isasali nila or paano sila mamimili.
"Mr. Dominguez, ikaw yung isang representative para sa Lakan. Gusto mo?" tanong ni Sir Led sa kanya.
Gusto ko sanang umangal dahil matatangay na naman ako ng hangin dahil sa sasabihin niya.
"Sigurado kayo sir?" tanong ni Khalyl. "Panalo na tayo kapag ganon"
*face palm*
Tingnan niyo. Ayan bagay sila ni Ely. Kay Khalyl ko na lang ata ireto si Ely, wag na kay Gelo.
"Seryoso kami Khalyl" sabi ko na lang
"Opo. Wag ng masungit Miss President" sabi niya.
"Sasali? Hindi?"
"Bakit may gusto ka bang isali?"
Tiningnan ko siya nang Gusto mo mabugbog kaya nanahimik siya.
"Silent means yes" sabi ko. "Sino po sa babae sir?" sabi ko ng di lumilingon sa pwesto ni Ely.
Nararamdaman ko yung titig sa akin ni Ely. Maawa na ba ako o hindi?
Siya na ba ang isasali namin? O iba?
Masama na ba akong kaibigan?
Umiling na lang ako at tumingin sa pwesto ni Ely.
BINABASA MO ANG
Presidente ng NBSB
Novela JuvenilIto ang kwento ng isang babaeng wala atang interes magboyfriend. Ang tangi niyang goal, makasurvive sa highschool ng hindi nakakapagboyfriend. Bakit ito ang naisipan niyang target? Dahil sa highschool life ng isang tao, hindi uso ang NBSB kasi ang u...