Presidente ng NBSB Entry 19: Mr. Suplado

463 24 0
                                    

Mr. Suplado

Nandito kami ngayon sa Chem Lab dahil may gagawin kaming experiment, at masasabi kong ang awkward ng aura ng group namin.

"Okay nandiyan sa photocopy na hawak niyo yung gagawin. Sundin niyo lang yung procedure. Tapos..." blah blah blah hindi ko na naintindihan si Ma'am sa sinabi niya kasi nga po ang awkward.

Kulang na lang may tumunog na kuliglig? Kuliglig ba yon? Yung maingay sa gabi? Yung insekto ay. Kuliglig yon diba? Kuliglig ba?

Napapatingin din sa amin si Ely kasi walang nagsasalita sa amin. Gusto niyo malaman kung sino mga kagrupo ko?

Yung mga nakakita lang naman sa akin sa SM na kasama si Gelo. Si Khalyl, Si Miko, Si Drake at si Mr. Suplado, si Jendrick

Hindi ko kagrupo si Ely okay, magkatabi lang yung table ng group namin kaya nakikita ko sa gilid ko na tumitingin siya sa amin.

Hindi ako sanay na tahimik si Khalyl dahil madaldal yan, yan ba naman katabi ko sa room. Si Miko sakto lang, di ko pa naman siya gaanong nakakausap. Si Drake din, nakakausap ko kaya di ako sanay na tahimik yan. Kasi nga syempre nakakausap ko sila ni Khalyl, kaya ang awkward kasi parang yung aura namin ay bumalik kami sa first day. Parang di kami magkakakilala.

Bakit ang awkward? Anong mali sa kasama ko si Gelo na mag-sm? Ha? Sabihin niyo nga. Anong mali? Masama bang mag-sm kasama ang lalaki?

Si Jendrick, tahimik talaga yan. Wala nga yang pake sa room. Parang di nag-eexist, hindi kasi nagsasalita. Buti hindi napapanis laway niya.

Hindi ko na kaya yung awkward dito sa table naming kaya binagsak ko yung kamay sa table namin na nag-cause ng ingay. Tumingin sa akin yung mga kagrupo ko pero hindi lang yung mga kagrupo ko ang tumingin sa akin.

Masyado palang malakas kasi pati si Ma'am ay napatingin sa amin plus yung mga classmate namin. Nagsorry na lang ako kay Ma'am at tumingin sa mga kagrupo ko.

"So tatahimik lang tayo dito?" tanong ko

*kru* *kru*

Okaaaaaaayyyyyy. AYOKO NA SA EARTH.

Wala kaming matatapos kung walang gagalaw, kaya naman tumayo ako para kunin yung gamit namin sa locker. May locker dito sa loob ng Chem Lab para doon ilagay ang mga apparatus namin. Pero hindi lahat ng apparatus ay nasa amin. Yung binigay lang sa amin ay yung parang basic, ay basic talaga. Basta yon

Pagkakuha ko ng gamit sa locker ay bumalik ako sa table namin. Pagkababa ko ng mga gamit ay tumayo si Drake. Akala ko ay aalis siya, pero lumapit siya sa akin at nagtanong, "Ano gagawin ko?"

Inexplain ko sa kanya yung gagawin pero medyo nilakasan ko boses ko para marinig nila Khalyl, para naman di ako unfair, diba?

Pumunta si Drake sa harap para gawin yung nakalagay sa experiment at sumama sa kanya si Miko. Si Khalyl ay pumunta din sa harap dahil manghihiram siya ng ibang gamit kay Ma'am.

Kaming dalawa ni Jendrick ang naiwan sa table. Ako nag-aayos, habang siya nakatingin sa may photocopy.

"Baka gusto mo tumulong" sabi ko habang nag-aayos. Wala akong narinig na nagsalita kaya akala ko ay hindi niya ako pinansin.

"Ay suplado" bulong ko.

"Akin na yan"

Nagulat ako ng magsalita siya sa gilid ko. Nakatayo siya at nakataas ang kilay sa akin.

Presidente ng NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon