Judgement
Stop being judgemental. Make sure you fix what's wrong in your life before start judging others
-----
Mabilis akong pumunta sa SC room para iwan ang mga gamit ko doon. Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang parada at ako, ano pa bang aasahan niyo sa akin.
Napagpasyahan ko na sa SC ako sasabay sa parada. Sila Miko at Christian ay doon sa varsity sasama. Kaya walang magbubunganga sa akin na muntik na naman akong malate.
"Lintek" sabi ko ng hindi ko mahanap yung cap ko. Iyon pa naman ang pinakaimportanteng dapat kong dalhin dahil mainit. Hayaan ko na nga Vitamin D naman ang sinag ng araw.
"Ate Dea magsisimula na" tawag sa akin ng isang council.
"Ito na" sabi ko at kinuha yung panyo. Panyo na lang ang pantakip ko in case hindi ko na kaya ang init.
Sumunod ako sa kanya pagkatapos kong mailagay ang gamit ko at nilock ang SC Room.
Kasunod kami ng drum and lyre sa linya kaya medyo una-una kami. Natanaw ko ang mga kafamily namin. Yun pala ang mga miyembro sa family namin sa intrams ay ang Grade 7-A, Grade 8-C, Grade 9-B, at ang section ni Gerald.
Wala kaming Grade 11 na kasama kasi ang sabi-sabi ay defending champion ang section ni Sir last Intrams kaya ganito.
Nakakapressure sa mga kaklase ko dahil overall champion ang section ni Sir. Sa volleyball game lang ako tutulong dahil busy kaming SC sa pagfafacilitate ng mga laro.
Inopen din ang school for outsider para sa tatlong araw kaya hindi lang ang mga estudyante ng GJC ang magiging audience kundi may iba pa kaya kailangan naming pagbutihin ang trabaho namin.
Ayun nga nag-umpisa na ang parada at hawak ng dalawang council ang tarpaulin na nakalagay ay Student Council.
Sayang nga lang at wala si Christian kaya hindi gaanon maingay ang mga kasama ko. Nakakausap ko naman ang ibang officers habang parada pero si Faith ay tahimik lang.
Oo nga pala yung tungkol kay Adrian. Hindi ko naman pwedeng hindi sabihin iyon kay Faith kasi kapag pinatagal ko mas pinapatunayan ko lang na totoo yung iniisip niya tungkol sa akin. Mamaya kakausapin ko siya.
Para tuloy akong nasa drama na nakokonsensiya dahil parang ang sama kong kaibigan. Kakausapin ko na talaga siya mamaya. Isa pa alam kong mabait si Faith, maiintindihan niya ako.
Medyo malayo na ang nalalakad namin sa parada at naiinitan na ako. Nagpunas ako dahil pinagpapawisan na ako. Sakto namang napadpad si Adrian sa harap namin.
Kumukuha kasi sila ng video at picture. Kumaway siya ng makita ako kaya gumanti rin ako ng kaway.
"Picture picture" sigaw ng isang council. Syempre hindi na pwedeng umangal si Adrian dahil nagpose na yung iba kaya kinuhanan niya kami ng litrato.
Nilagay ko ang panyo sa ulo ko. Tatanggalin ko na lang mamaya kapag malapit-lapit na sa school.
Tumingin sa akin si Adrian, "Nasaan yung sombrero mo?"
"Naiwan ko. Nagmamadali kasi ako"
"Late na naman. Tsk-tsk"
Inirapan ko lang siya, hindi ako late. Nakahabol kaya ako. Lumapit siya sa pwesto ko at tinanggal yung panyo.
BINABASA MO ANG
Presidente ng NBSB
Roman pour AdolescentsIto ang kwento ng isang babaeng wala atang interes magboyfriend. Ang tangi niyang goal, makasurvive sa highschool ng hindi nakakapagboyfriend. Bakit ito ang naisipan niyang target? Dahil sa highschool life ng isang tao, hindi uso ang NBSB kasi ang u...