Sasama Pala
Can I follow you? Cause may parents always told me to follow my dreams
-----
Unang linggo pa lang ng mag-umpisa ang second sem ay agad nagpaquiz si Sir Led sa amin after niya magdiscuss.
Naglabas ako ng papel at halos nanghingi ang mga kaklase ko sa akin. Napailing na lang ako habang namimigay ng papel. Next time hindi ako agad-agad maglalabas ng papel. Itong section namin ang kuripot sa papel.
Laking pasasalamat ng mga classmate ko kay Sir dahil multiple choice ang quiz. Mukhang mabait pa si Sir magpaquiz dahil kakaumpisa pa lang ng klase.
Nakaflash sa screen ang unang tanong. Kaya binasa ko ang nakalagay at nagcompute gamit ng calculator. Buti dala ko ito, edi pahirapan sa isip magbilang. Nang makuha ko ang sagot ay agad kong sinulat iyon sa papel.
Habang nagpapatuloy kami sa quiz ay napapansin kong humahaba ang leeg ni Khalyl. Hindi ko napigilang ngumiti at naisip na asarin siya. Tinakpan ko ang papel gamit ang buhok ko. Narinig ko ang pagmura niya ng mahina kaya napatawa ako. Tinakpan ko ang bibig ko baka pagalitan ako ni Sir.
Napatingin sa akin si Miko at nginuso ko si Khalyl. Tiningnan ni Miko si Khalyl at pasimple nitong kinurot sa balikat.
"Magsagot ka nga diyan" sabi ni Miko pero mahina lang dahil baka marinig kami ni Sir.
"Wala nga akong nagegets Miko"
Napailing na lang si Miko. Umayos na ako ng upo at hinayaang kumopya si Khalyl. Halos batukan niya ako ng magpapalit-palit ako ng sagot. Napansin niyang pinagtitripan ko siya.
"Tangina Dea ayusin mo sagot mo" bulong niya sa akin habang kumokopya kaya tumawa ako ulit, syempre yung mahina pa rin.
"Ikaw na nga yung kumokopya. Sumbong kita kay Sir"
"Uy joke lang di naman ikaw mabiro. Labyu President"
Napalakas ang pagkakasabi niya dahil napalingon sina Drake sa kanya maski si Sir ay lumingon sa pwesto namin kaya umakto akong tinakpan ko ang papel habang nakayuko. Si Khalyl naman ay kunwaring nag-isip bigla.
May mga nakarinig din na iba naming classmate at inasar nila ako. May dadagdag daw ata. Pinatigil sila ni Sir dahil nagququiz kami.
"Mr. Dominguez mamaya ka na makipag-usap pagtapos mo na yung quiz"
Napakamot sa ulo si Khalyl at tumango. Tapos na ako kaya hinahayaan ko na lang na kumopya si Khalyl. Hindi naman lahat ay kinopya niya dahil sumasagap din siya ng sagot kila Drake. Para raw hindi halata.
Kaya lang hindi na siya pinakopya ni Drake. Narinig ko pa na may sinabi si Khalyl, wag raw magselos.
"Parang sira naman si Drake" tumalikod si Khalyl kay Drake, "Miko, sagot sa last number"
"Manghula ka na lang diyan"
"Sige na para siguradong pasado"
"C"
"Di nga? Bakit kay Dea A?"
"Sabi kasing maghula ka na lang"
"Ang pangit ng mga style niyo" sabi niya pero sinulat ang sagot ni Miko.
Nang maglunch ay dali-dali akong hinila ni Ely palabas ng room. Halos madapa ako dahil akala mo ay may tinatakbuhan siya. Palinga-linga pa ang loko.
BINABASA MO ANG
Presidente ng NBSB
Fiksi RemajaIto ang kwento ng isang babaeng wala atang interes magboyfriend. Ang tangi niyang goal, makasurvive sa highschool ng hindi nakakapagboyfriend. Bakit ito ang naisipan niyang target? Dahil sa highschool life ng isang tao, hindi uso ang NBSB kasi ang u...