Presidente ng NBSB Entry 52: Walang Papatalo

369 29 5
                                    

Walang Papatalo

     May mga estudyante talaga na pag lovelife ang topic buhay na buhay.

-----

Halos isang oras ang tinagal ng byahe namin bago kami makarating dito sa sky ranch. Pinark muna ni Drake ang kotse bago kami bumaba.

Nakangiting nilibot ko ang tingin sa paligid at kinuha ang cellphone ko. Iinggitin ko si Ely. Pagkakuha ko ng litrato ay agad ko iyon minay day.

"Nagugutom ka na ba?" tanong sa akin ni Drake.

"Ikaw ba?"

"Ikaw nga tinatanong ko. Ano rides muna?"

Tumingin ako sa relo ko, hindi pa naman tanghali. Tsaka masyado pang maaga para sumakay kami sa rides.

"Libutin muna natin"

"Okay"

Gaya nga ng sabi niya ay nilibot muna namin ang sky ranch. Namimili na ako ng rides na pwedeng sakyan mamaya. Nakasunod lang sa akin si Drake.

"Lagi ka dito?"

"Hindi naman. Alangan pumunta ako dito ng mag-isa. Mas masaya kapag may kasama"

"Pero nakapunta ka na dito?"

"Yes. Ofcourse kasama sila Miko. May isip bata kaming kasama"

Hindi ko napigilang tumawa doon sa may isip-bata silang kasama.

"Ikaw?"

"Hmm..gusto kong pumunta dito pero hindi kami nagkakatime"

"First time?"

"First time sa sky ranch pero hindi sa SM" turo ko sa isang building. Tabi ng sky ranch ang SM.

"Try natin iyon mamaya" turo ko sa mga stall na may teddy bear.

Pagkatapos naming lumibot ay pumuntakami sa loob ng SM para kumain. Tinanong niya ako kung saan ko raw gusto kumain. Syempre hindi ko sinabi ang mahiwang salitang 'kahit saan'.

Sabi ko sa Jollibee kami kakain, ayoko sa mga restaurant. Mahal tsaka masarap naman ang pagkain sa Jollibee. Hindi na rin naman siya nagpumilit na sa restaurant kami kumain.

"Anong gusto mo?"

Sabihin ko sanang ikaw para kung ano yung oorderin niya ay ganon na rin sa akin kaya lang parang iba ang dating. Tinatamad kasi akong pumili.

Saglit akong tumingin sa menu, "Yung fried chicken na may fries. Large mo yung fries pero wag yung drinks. Tsaka irequest mo na leg part yung fried chicken"

Tumango siya at ako, naghanap ng mauupuan namin. Nang may mahanap ako ay agad akong umupo at nilabas ang cellphone. Habang hinihintay si Drake ay naisipan kong mag-online.

Nakita kong may chat si Ely sa akin. Nagreply siya sa day ko.

Ely: Hindi man lang nag-aya hmp

Dea Mariz: Busy ka matulog at biglaan ito

Ely: Nye nye whatever

Nagreact lang ako sa message niya. Tsaka alangan namang sumama siya dito? Nakakahiya rin naman kay Drake na magsasama ako ng iba.

Bigla ulit nagvibrate ang phone ko at tiningnan ko iyon.

Ely: Walangya kang babae ka. Kasama mo si Drake

Presidente ng NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon