AUTHOR: Sorry po guys kung ngayon lang nakapag-update hehe busy kasi ako lumamon joke HAHAHAHA. I dedicate this sa isa sa mga naghihintay ng update yeheeeeyy!!
Keep safe and enjoy reading ;)
-----
First Love
Hindi masamang magmahal nang mag-isa. Hindi man kayo sabay na nagmamahal, malay mo, pagdating sa gitna mamahalin ka rin niya.
-----
Pareho lamang kaming tahimik dito sa labas ng bahay. Hindi naman ako siguro hahanapin dahil abala sila sa entertainment na ginagawa ni Christian. Hanggang dito sa labas ay rinig ko ang pagbirit na ginagawa niya.
Nakatangin lang kaming dalawa sa kawalan. So ano na? Sino ba dapat ang magsalita? Ako na inaya siyang kausapin? O siya na matagal na akong gustong kausapin.
"Kamusta na?"
Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa tanong na iyon. Seriously Dea? Yun talaga ang itatanong mo?
Narinig ko yung mahina niyang pagtawa pero hindi ko siya nilingon.
"I'm sorry"
Sorry saan? Pero hanggang sa isip ko na lang iyan itatanong. Saka na ako sisingit kapag tama na yung time, or kung dapat na ba akong magsalita. Sa ngayon hayaan ko na lang siya magsalita dahil baka kung ano pang kaewanan ang maitanong ko.
"I know it's too late pero gusto ko lang mag-sorry. Sorry sa lahat ng ginawa ko, sorry kung dahil sa akin kaya hindi ka nagtitiwala sa iba, sorry kung dahil sa akin nahirapan ka, sorry kung naramdaman mong hindi ka worth it. Sorry kung inisip mong hindi totoo yung nararamdaman ko way back then"
Minsan kaya rin nasasaktan ang isang tao dahil hindi nila madistinguish ang totoo sa hindi. Madalas ang seryoso ang natatalo, bakit? Kasi sasabihin nila sa iyo, bakit mo kasi sineryoso? Alam mo namang landian lang.
Sa kaso ko hindi ko alam kung totoo ba iyon o hindi. Si Adrian na kasi ang pinakakumplikadong taong nakilala ko.
And yes, I'm maybe NBSB but still I experience heartbreak. At sa kaso ko, sa kanya ko iyon naranasan. (Ang susunod ay flashback ni Dea tungkol kay Adrian kaya wag kayong malilito. Kwinekwento niya sa atin ang kanyang nakaraan.)
Matagal ko na siyang kilala. Minsan ko siyang nakilala dahil sa kapatid ko. Bata pa lang kami ay close na niya si Darryl. Hindi ko siya pinapansin noon dahil madalas nasa bahay lang ako. Tuwing bakasyon ay nandito siya, malapit lang ang bahay ng kanyang lola sa amin at dahil minsan ay sawa ang kapatid ko na kalaro ako kaya naghanap ng ibang kalaro.
Minsan siyang pinakilala sa akin ng kapatid ko ng minsan silang maglaro sa bahay namin. At may time na sa sobrang boring ko ay nakipaglaro ako sa kanila. Dahil doon, naging magkaibigan kami.
Pero tumigil siyang pumunta dito simula ng mamatay ang lola niya at wala na akong nabalitaan sa kanya simula noon. Nang makarating ako ng junior high ay muling nagkrus ang landas namin ng may inattendan na party sila Papa. Nagkataon na ang pinuntahan namin ay nandoon siya, kamag-anak niya ang naginvite ng party.
Kahit nang tumungtong siya ng junior high ay maloko pa rin siya. Ang pinagkaiba, mas lapitin siya ng babae. Nung bata kami ay sa mga lalaki lang siya lumalapit. Kung tutuusin ako ang una niyang naging kaibigan na babae.
"Babaero" yan ang sinabi ko sa kanya ng makitang iba na naman ang kaharutan niya.
Ayaw ko talaga sa kanya nung una dahil hindi mo alam kung seryoso ba siya dahil iba-ibang babae ang nalilink sa kanya. Hindi naman niya literal na nagiging girlfriend, pero pumapatol siya kapag may lumalandi sa kanya.
BINABASA MO ANG
Presidente ng NBSB
Teen FictionIto ang kwento ng isang babaeng wala atang interes magboyfriend. Ang tangi niyang goal, makasurvive sa highschool ng hindi nakakapagboyfriend. Bakit ito ang naisipan niyang target? Dahil sa highschool life ng isang tao, hindi uso ang NBSB kasi ang u...