Presidente ng NBSB Entry 68: My Happy Ending

424 24 4
                                    

My Happy Ending

     May mga lovestory na hanggang once upon a time lang talaga

-----

Hindi ko alam kung magdadala pa ba ako ng bag dahil wala naman na kaming pasok. Maglilinis lang kami tsaka mag-prapractice. Kaso alangan namang bitbitin ko yung tumbler diba. Napailing na lang ako at tinanggal ang mga notebook sa bag ko.

Kung ano yung importante ay yun na lang nilagay ko doon. Pwede rin naman sigurong malate ngayon diba? Wala naman sigurong bayad. Huling bayad ko ng late ay yung nagsimulang manligaw ang apat.

Ang bilis ng oras, parang kelan lang nanliligaw yung apat tapos ngayon, pinatigil ko silang lahat.

Kinuha ko yung bag at lumabas ng kwarto. Nagpaalam ako kay Mama na aalis na ako. Hindi ko kasabay si Ely ngayon dahil maaga naman pumapasok ang isang iyon. Agad akong sumakay ng tricycle ng may huminto sa tapat ko.

Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa school. Nagbayad ako saka bumaba ng tricycle. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok.

"O ngayon ka lang pumasok President" bati sa akin ng guard.

"Good Morning po" bati ko at ngumiti saka pumasok sa loob ng school.

Nasa room kaya yung mga kaklase ko? Aakyat pa lang sana ako ng makita ko si Christian at Franz na pababa.

"Oh.." sabay pa nilang sabi at tinuro pa ako

"Saan kayo pupunta?" tanong ko

"Maglilinis ng SC room. Saktong nakita ka namin, halika na" sabi sa akin ni Christian at hinawakan ang braso ko.

"Teka kailangan kong pumunta ng room"

"Wag kang mag-alala galing na kami doon" sabi ni Franz

"Pinaalam ka na kay Sir Led kahit di ka pa pumapasok. Akala namin hindi ka ulit papasok ngayon. Teka bakit di ka pumasok ng dalawang araw?" sabi sa akin ni Christian. Hila-hila pa rin niya ako kaya wala na akong nagawa at nagpatangay na lang.

"Wala naman kasing gagawin" well totoo naman itong sinabi ko. Akala ko walang gagawin.

"Anong wala. Nagpraktis kaya kahapon"

"Kaya nga ako pumasok ngayon kasi magprapraktis diba?"

Pagdating sa SC room ay nandoon na ang halos iba. Kaming tatlo na lang ata ang kulang. Nilibot ko ang tingin sa loob. Mamimiss ko ito. Kahit papaano natuwa ako na sumali ako sa SC. Buti na lang pala, mas madami akong nakilala. Nakadagdag sila sa memories ko ngayong highschool ako.

"Miss President" bati sa akin ng isang council kaya tinanguan ko siya.

Binaba ko ang bag ko sa gilid at kumuha ng walis. Iniwasan kong tumingin kay Miko at Ella.

"Bakit ngayon ka lang pumasok Ate Dea?" tanong sa akin ni Gerald.

"Akala niya walang gagawin" sabi ni Christian

"Yun ba? Akala ko may iniiwasan siya"

"Sino namang iniiwasan niya"

"Si Ate Maica tsaka si Kuya JC. Hindi niyo ba alam? Mag-ex yung dalawa"

Napatigil ang lahat sa sinabi ni Gerald. Biglang may lumipad na basahan papunta kay Gerald. Huli na ng mapansin niya iyon kaya sapul siya sa mukha.

Presidente ng NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon