Presidente ng NBSB Entry 5: Jendrick

644 34 0
                                    


JENDRICK

"Anong sabi mo?" tanong ni Ely sa akin. 

Kasalukuyan kaming nagrerecess. Nakapila kami ngayon sa canteen para bumili ng pagkain. 

"Paulit-ulit?" sabi ko. 

Kinusilapan niya lang ako. Sinabi ko sa kanya na si NBS boy at si kuyang snobber ay kaklase namin.

"Di kaya namamalikmata ka lang?"

Inis ko siyang tiningnan. "Kelan pa ako nagkaroon ng deperensiya sa mata?"

Pagkatapos naming bumili ng pagkain ay lumabas na kami ng canteen.

"SERIOUSLY?! AS IN?!"

Nagulat ako ng sumigaw siya. Pinagtinginan kami ng estudyante kaya hinila ko siya sa may hallway. 

"Pwede pakihinaan yang boses mo?!" huminga ako ng malalim. "Seryoso ako. Malay ko bang nag-aaral sila dito?"

"So kung totoo nga. Bakit di mo ba kilala sina Drake at yung crush ko?"

"Pwede ba. Bigyan mo ng pangalan yung crush mo ano" sabi ko.

"Dea—"

"Di ko naririnig yang pangalan nila sa school namin at for Pete's sake, kakatransfer ko lang paano ko sila makikila?"

After kasi ng isa naming subject. Hinila ko si Ely palabas at sinabi ko sa kanya yon. AYON NGA....

Ang lalaking nakaupo sa may left side sa third row ay si NBS boy na kilala bilang si Drake. 

Nakilala ako ni NBS este ni Drake sa mukha, narinig ko pa nga yung tinawag niya sa akin bago kami makalabas ng room,

"Cosmo girl!"

Nakita kong tumingin si Kuyang snobber at technically inisnob niya ulit ako!

Si kuyang snobber ay si JC, yon ang tawag sa kanya sa room. Ewan ko anong meaning ng JC kasi snob ko din siya. 

Letse buti pa si NBS este si Drake nakilala ako pero letseng tawag yan. COSMO GIRL?! ANG ASIM. PARANG NAGCOVER AKO NG COSMO SA TAWAG NIYA!

"So ikaw si Cosmo girl?"

"Ano ba Elyssa?! Kanina pa ako naiinis sayo ha!"

Lutang ba tong kaibigan ko?

Ngumuso siya, "Buti pa kayo close ni—"

"Anong close doon?"

Umupo kami sa gilid ng hallway. Wag kayong mag-alala may upuan dito.

"Edi hindi. Kagalit mo ay"

Magsasalita pa lang sana ako ng may umupo kung saan napapagitnaan namin siya ni Ely.

"Aga-aga sungit natin Dey-Dey"

Isa pa tong mokong na ito. Tinulak ni Ely si Gelo, "Eww pwede ba wag ka tumabi sa akin, Angelito"

"Ikaw ba tinabihan ko Lily Pad?"

"Hep-hep, pwede ba. Wag niyo ng dagdagan init ng ulo ko"

Tumingin sa akin yung dalawa. "Ito kasi e" sabi ni Ely at tinuro si Gelo,

"O bakit ako?" takang tanong ni Gelo. 

"Wag kang tatabi sa akin at baka isipin ng crush ko na boyfriend kita"

"Lakas ng amats natin Lily Pad. Wag ka mag-alala, hindi assuming crush mo at... di ka crush ng crush mo"

Hahampasin na sana ni Ely si Gelo ng pigilan ko si Ely. 

Presidente ng NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon