Presidente ng NBSB Entry 10: Varsity or SC

571 27 0
                                    

Varsity or SC

Madami akong gustong gawin. Ako yung tipo ng taong mahilig mag-imagine. Pero matino yung imagination ko. Inuunahan ko lang kayo.

Yung mga nababasa ko at napapanood parang gusto kong mangyari. Kasi iniisip ko, siguro magandang itry ito. Kapag ginawa ko ito, mag-eenjoy sila. Gusto ko mag-eenjoy lahat, lahat ng tao, pati na din ako.

Bakit ko ito sinasabi, kasi pinag-iisipan ko kung itutuloy ko bang sumali sa Student Council, o hindi ako sisipot sa mismong pagpapakilala ng mga kandidato, o yung tinatawag nilang Meeting de Abanse.

Hindi ito yung nakasanayan kong meeting de abanse sa school ko dati. Dahil dito, mag-isa kang magsasalita, mag-isa kang ididiscuss ang gusto mong mangyari. Mag-isa kang makikiusap sa tao na iboto ka. Dahil dito, walang partylist na tinatawag. Ang partylist mo ay ang sarili mo.

Nagulat ako nung kinausap ako ni Ninang nitong Biyernes. Tinawag niya ako sa SC room, dahil nga ang Ninang ko ang SC adviser.

"Bakit po?" sabi ko ng pinapasok niya ako sa SC room.

"Maupo ka" sabi niya. Kaya naman sinunod ko yung sinabi niya.

"Gusto kitang makausap regarding sa napag-usapan natin nung Lunes" umpisa niya. "I know you can do your job. Responsable kang tao at alam ko ang kakayahan mo as a leader. That is why...."

"Gusto niyo po kong sumali sa SC tama po ba?" dagdag ko sa sinabi niya. Tumango si Ninang, o si Ma'am Adele.

"I've been an adviser of SC for the past years. At nakita ko ang mga resulta ng nagdaang SC. Last year, hindi ganoon kasuccessful ang naging President and hindi lang yon. Ramdam din ng mga estudyante dito na hindi na ganoon kaganda ang SC. Nabawasan ang mga program, at halos umiksi ang mga araw ng pagcecelebrate sa nakasanayang events."

"Ano pong gusto niyong gawin ko?" tanong ko. 

Napabuntong-hininga si Ma'am Adele, "I want you to accept my deal, gusto kong tumakbo kang kandidato sa darating na eleksiyon"

After ng pag-uusap namin ay hanggang ngayon ay lutang ako. Hindi ako makapagdecide. Sabi ni Ma'am walang posisyon na sasabihin. Basta tatakbo ka lang as a memberof SC. Ang official na position sa SC ay mangyayari pagkatapos ng botohan. Ang mga mananalo sa eleksiyon ay boboto sa bawat isa, ang mga mananalo ang mamimili kung ano ang magiging posisyon mo.

Kung tutuusin, mas maganda ito, hindi mo papatunayan sa mga tao na karapat-dapat ka sa posisyon na ito. Ang mga tao ay kusang makikita ang kaya mo ng hindi mo sinasabi ang kakayahan mo.

Pero, masyadong pa ding mabigat, gusto kong magsaya before ako grumaduate pero, baguhan lang ako. Hindi ko naranasan ang mga napagdaanan nila Ely. Ayoko namang maging boring yung highschool ko. Pero bukod din kasi sa SC, pinag-iisipan ko ding sumali sa Volleyball Team.

Nung biyernes din ay nag-announce ang Volleyball Team sa bawat room na magkakaroon ng try out next week para sa mga gustong sumali sa volleyball. Kung sakaling tanggapin ko ang alok sa akin ni Ma'am Adele, kailangan kong talikuran ang pagvovolleyball dahil kung sakaling manalo ako, hindi ko din alam kung ano ang magiging position ko. Yun naman ang disadvantage ng ganitong sistema. Hindi mo mapaghahandaan ang magiging responsibilidad mo, dahil maaaring ibigay sayo yung position na ayaw mo.

Kung sasali naman ako sa volleyball at hindi tanggapin ang alok ni Ma'am sa akin, hindi ko din masasabi kung makukuha ako sa volleyball, lalo na't hindi lahat ng nagtatry out ay nakukuha sa team. Paano kung di ako nakuha at di ko tinanggap ang alok ni Ma'am? Sayang naman diba?

Kasi sa totoo lang, parang gusto kong tanggapin ang alok ni Ma'am sa akin pero gusto ko ding maglaro ng volleyball.

Napabuntong hininga ako at sinandal ang ulo ko sa mesa. Weekend ngayon, at nakakulong lang ako sa kwarto. HINDI KO NA KASI ALAM ANG GAGAWIN KO.

Presidente ng NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon