AUTHOR: Buti na lang pala chineck ko itong entry na ito. May binura ako kasi naulit yung ibang scene tapos..basta magulo, sabog ata ako nung inupdate ko ito. Anyways after this, ipopost ko na yung next entry. Enjoy reading :)
Source of Happiness
Kapag nakita mo si crush, kunyari kalmado ka lang pero deep inside, kilig na kilig ka.
-----
"Okay ka na?" tanong sa akin ni Christian ng makaupo ako.
"Oo"
"Ikaw naman kasi siz, lalangoy ka na nga lang di pa kumpleto gamit mo"
"Alam mo pinagsabihan na ako kaya wag ka ng dumagdag"
"Ay sino naman? Nasa apat mong manliligaw? Ah yung naghatid sa iyo sa clinic. Si candidate number 2"
"Candidate number 2?"
Tumango siya at tumabi sa akin. "Oo candidate number 1 si Drake kasi siya unang nanligaw sayo, si Angelo ang candidate number 2, candidate number 3 si Adrian at candidate number 4 naman si JC"
"Sino namang nagpauso ng ganyan. Ginawa niyo pang pageant"
"Ako. At isa pa, OO PAGEANT TO. Pageant kung sino ang makakakuha ng oo nang isang President"
Kinurot ko siya sa bewang niya. Kung ano-ano sinasabi ng baklang to.
"Wala. Gagraduate ako ng walang boyfriend"
"Aysus. Wag magsalita ng tapos Dea"
"Papatunayan ko sa iyo yan"
"Ano namang pinagtsitsimisan niyo" tanong ni Alex.
"Ikaw Alex sa tingin mo makakagraduate ba si Dea ng hindi nagkakaboyfriend?"
Saglit nag-isip si Alex, "Oo"
"Anong oo?"
This time nakitsismis na rin si Faith.
"Ikaw Faith tingin mo gagraduate ba ito ng walang sinasagot sa apat?"
"Hindi"
"O tingnan mo parehas kami ng iniisip ni Faith"
"At parehas kami ng iniisip ni Alex" sabi ko.
"Imposible naman iyon Ate, lalo na at hindi lang dalawa ang nanliligaw sa iyo. Apat. A-P-A-T" sabi ni Faith.
"Posible din naman na gagraduate siya ng walang nagiging boyfriend" pagtanggol sa akin ni Alex.
"Alam niyo kesa yan ang pagtalunan niyo. Ang pagtalunan niyo na lang ay kung mahuhulog ba siya sa isang manliligaw niya" sabay-sabay kaming lumingon kay Franz.
"Pwede siyang magkaboyfriend, pwede ring hindi. Kung gusto niya talagang sagutin yung isa sa apat sasagutin niya. Pero pwede niya ring hindi sagutin muna yung isa sa kanila kahit may nararamdaman siya. Diba?"
"May sense ka rin pala magsalita minsan" sabi ni Christian.
"May sense naman talaga ikaw lang ang walang kasense dito" sabi niya at nilingon ako. "50/50 ang pinagtatalunan niyo pero malaki ang tyansa na mahuhulog siya. At iyon, iyon ang pagtalunan natin kung kanino"
"Hindi ako mahuhulog"
"At diyan ko ipapasok ang sinabi ni Christian ng wag magsalita ng tapos. Tsk tsk. Miss President, ang nararamdaman hindi yan napipigilan. Kapag tinamaan ka, tinaaman ka"
BINABASA MO ANG
Presidente ng NBSB
Teen FictionIto ang kwento ng isang babaeng wala atang interes magboyfriend. Ang tangi niyang goal, makasurvive sa highschool ng hindi nakakapagboyfriend. Bakit ito ang naisipan niyang target? Dahil sa highschool life ng isang tao, hindi uso ang NBSB kasi ang u...