Approve
Gusto ko ng ibalibag itong notebook dahil walang pumapasok sa utak ko. Wala rin kasing nangyari sa group study na sinasabi nila Ely. Anong isasagot ko sa exam? Unggoy-ungguyan, ganon?
Sinarado ko na lang yung notebook. Yumuko at sinandal yung ulo ko sa armchair.
Bakit kasi ako sumali sa unggoy-ungguyan? Dapat nagreview na lang ako e T_T
Hindi matinong kasama yung dalawa, ay yung tatlo pala, damay na natin si Maica.
Speaking of Maica, after na lang niya sagutin yung tanong ni Ely ay para siyang nailang kay Ely. Yung isa naman parang hindi na binig deal yung nangyari. Ewan ko ba kasi kay Ely ano bang droga ang hinithit nun.
Mukha bang mysterious type sa paningin niya si Maica? E mukhang anghel nga yun. At isa pa wala naman akong nase-sense sa kanya na mysterious aura. Ewan ko ba talaga kasi sa babaeng yon. Mamaya nga batukan ko nga yon pag nakita ko.
Narinig kong may pumasok kaya naman iniangat ko yung ulo ko at nakita yung magiging proctor namin ngayong exam.
Umayos ako ng upo. Inexplain niya lang ang do's and don'ts sa room. Syempre nandoon ang walang sawang major offense ang cheating. Ito namang teacher na ito parang hindi nangopya sa panahon niya.
Alam niyo, okay lang mangopya. Wag lang mangodigo. Okay? (Wag tutularan si Dea)
Dinistribute niya yung mga test paper, halo-halo kami sa room na ito. Kasabayan namin ang Grade 7 at Grade 9. Nasa kabilang room si Ely kung hinahanap niyo.
Nang makita ko ang test paper, pumikit ako at nagdasal.
Sana makisama utak ko. Ayokong bumagsak sa exam. Maniniwala na lang ako sa stock knowledge ko, sana hindi din ako mastock.
Fighting Dea!
Huminga muna ako ng malalim at nagsimula ng magsagot ng test paper.
Lumipas ang isang oras at natapos na iyong dalawang subject na inexam naming. Kada isang subject kasi 50 minutes mo lang sasagutan yung test paper. Buti na lang multiple choices. Tamang hula kapag hindi alam yung sagot.
"Sa mga tapos na you can take your break time" sabi ng proctor namin.
Kaya naman ako inayos ko muna gamit ko at lumabas ng room. Nandito kami ngayon sa building ng junior high. At dahil din magkatabi kami ng room ni Ely, sinilip ko yung room kung nandoon pa siya at tamang-tama na pinasa niya yung papel niya, meaning tapos na ang babaita.
Saktong paglabas niya ng magsalita ako,
"Ano namang sinagot mo sa test paper? Ang pagiging master sa unggoy-ungguyan?" sabi ko.
Lumapit siya sa akin at hinampas yung bag niya sa akin.
"Duh, basic lang exam" sabi niya na may paghawi ng buhok.
Halos sipain ko siya dahil sa ginawa niyang panghampas.
"Hindi mo kailangang manghampas" inis na sabi ko.
"Ay sorry nadulas sa kamay ko" sabi niya.
Hahampasin ko din sana siya ng may tinuro siya, "Si Maica oh" sabi niya kaya naman nilingon ko kung saan yung tinuro niya. "Maica!" sigaw ni Ely.
Lumingon sa amin si Maica at kumaway. Kumaway din ako pabalik. Saktong maglalakad siya ng may bumunggo sa kanya. Hindi nagsorry yung bumunggo sa kanya at dire-diretso lang na naglakad.
At dahil papunta dito yung bumunggo kay Maica, nakita ko yung itsura ng gumawa non. Si Ella, ang Special Project officer ng SC.
Tatawagin ko pa lang si Ella ng tinawag ako ni Maica
BINABASA MO ANG
Presidente ng NBSB
Genç KurguIto ang kwento ng isang babaeng wala atang interes magboyfriend. Ang tangi niyang goal, makasurvive sa highschool ng hindi nakakapagboyfriend. Bakit ito ang naisipan niyang target? Dahil sa highschool life ng isang tao, hindi uso ang NBSB kasi ang u...