Presidente ng NBSB Entry 27: Presidente ng NBSB

406 24 1
                                    

 AUTHOR: I dedicate this chapter to someone na gusto na  niyang iupdate ko ito :D sorry sa matagal na update everyone :). 

    Stay safe everyone and stay lang sa home :)

---------

Presidente ng NBSB

"Wala raw praktis" yan ang sabi sa akin ni Christian.

Naglilinis ako ng classroom nang biglang sumulpot si Christian sa room namin. Cleaners kasi ako ngayon syempre kahit may iba akong inaasikaso dito sa school ay dapat isa pa rin akong huwarang na estudyante.

"Bakit?" tanong ko habang nagwawalis. "Sino ba ang gagamit ng court ngayon?"

"Basketball" sabi niya at umupo sa upuan.

"Ano yon? Nagpalit ng sched?"

Nagkitbit-balikat siya, "Kailangan, alam mo naman, competitive coach nila" sabi niya.

Oo nga pala nabanggit sa akin ni Khalyl kung gaano kacompetitive ang coach nila.

"Lalo na umalis sa basketball team si Adrian" sabi niya. "Ay teka di mo naman sa akin chinichika na close pala kayo ni Adrian"

Buti na lang busy yung iba kong kasama sa paglilinis kaya hindi nila napapansin na may tsumitsismis sa akin.

"Hindi naman kami close" sabi ko sa kanya. Well yun naman talaga ang totoo, hindi kami close, ngayon.

"Ay hindi close pero nilibre ng lunch?" pang-aasar niya sa akin.

"Alam mo binibigyan mo lang ng malisya"

"Pero alam mo naloka talaga ako sa lunch nun" sabi niya. Ako rin naloka ako, ikaw ba naman dalhan ng apat na lunch? "Buti hindi sumakit tiyan mo"

Tinapik-tapik ko yung tiyan ko, "Matibay ito"

"Anong ginawa mo sa inumin na dala nila?" tanong niya.

"Inubos ko"

Nagulat siya sa sinabi ko, "Inubos mo?!"

"Malamang. Alangan naman na itapon ko yon"

"Bakit di mo ko binigyan" sabi niya at napanguso.

"Busy ka sa program" sabi ko.

Napairap na lang siya sa kawalan. "Bilisan mo na lang diyan" sabi niya sa akin.

Nagtaka ako sa sinabi niya. Pagkatapos kong magwalis ay tinabi ko na yung walis. "Saan tayo pupunta?"

"Hello saan ba pupunta ang tulad natin? Edi sa SC room"

"Anong gagawin natin doon?"

"Kung anong magawa. Wag mong sabihin na uuwi ka agad pagkatapos mo dito?"

Napakamot ako sa ulo ko at kinuha ko yung gamit ko. Sabi ko nga sa SC room kami pupunta.

"Pero bakit di tayo sinabihan agad na walang praktis? Sayang naman itong dala natin" sabi ko sa kanya at napatingin sa paper bag na dala ko kung nasaan yung mga gagamitin sa training. "Alam na ba ng iba?"

Tumango siya, "Sila yung unang nakaalam. Kanina lang umaga nila nalaman, bago pumasok. Sinabi raw sa GC"

Napahinga ako ng malalim dahil sa sinabi niya, hindi ko kasi ugali na mag-online kapag papasok. Ayan kasi Dea napakagaling.

Presidente ng NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon