EPILOGUE
School may be hard, annoying, and irritating. But admit it, you're going to miss it when it ends.
Dali-dali akong nagpalit ng damit pagkatapos akong ayusan. Saktong six na ng matapos akong maayusan at six din ang start ng Graduation. Jusko Dea, pati ba naman sa Graduation mo ay late ka pa rin.
Pagkatapos kong maisuot ang dress ko ay kinuha ko agad ang heels at sinuot iyon. Nang matapos kong suotin ay halos magkandaugaga akong lumabas ng kwarto. Natapilok pa ako pero okay lang. Dumiretso ako palabas ng bahay. Nilock ko ang pinto at dumiretso sa kotse.
Sasama ang magaling kong kapatid sa school. Sabagay kakain kami niyan pagkatapos ng event.
Graduate na ako mamaya.
Naramdaman ko ang pag-andar ng sasakyan. Tiningnan ko ang cellphone ko at may text doon si Ely.
Nasaan ka ng bruha ka
Hindi na ako nagreply dahil wala rin naman ho akong load.
"Nagsimula na kaya doon?" tanong ni Mama habang tinitingnan ang itsura niya sa salamin.
"Baka? Six na kasi"
Pagdating sa school ay narinig na namin ang tunog para sa martsa. Shet na malagkit, nag-umpisa na ata. Sabay kaming bumaba ni Mama sa kotse. Dala-dala niya ang toga ko at kinuha ko iyon sa kanya.
"Hala nag-umpisa na"
Binilisan namin ang paglalakad at nakahinga ako ng maluwag ng nakita ko ang mga kaklase ko na nakalinya. Ang mga nag-mamartsa ay mga HUMSS. Buti na lang sa STEM ako, makakapagmartsa ako.
At dahil alphabetical order ay hinanap ko si Ely. Nang makita ko si Ely ay hinila ko doon si Mama. Napatingin naman sa akin si Ely pati ang Mama niya.
"Bakit ngayon lang kayo?" tanong ni Tita Sasha.
"Anong oras na kasi inayusan si Dea" sabi ni Mama at pumila na kami. Sinuot ko ang toga at si Mama na ang nagsuot sa akin nung cap. Alam niyo naman siguro yon.
"Pati ba naman sa Graduation ay late ka pa rin Miss President" bulong sa akin ni Ely.
"Hindi ako late. Makakapagmartsa pa rin ako" sabi ko sa kanya.
Ilang minuto ang hinintay namin bago kaming mga STEM ang sumunod na nagmartsa. Dahil kami ang huli ay halos mangalay ako sa pagtayo. Okay lang, tyaga lang, makukuha ko rin ang diploma pagkatapos. Nagpapasalamat talaga ako dahil hindi ako late. Kung sa HUMSS ako paniguradong hindi ako nakapagmartsa.
Nang matapos ang pagmamartsa naming lahat na Grade 12 ay nanatili kaming nakatayo para sa doxology, sa Lupang hinirang at basta. Nagwelcome Adress ang kaklase ko na awardee rin.
Pumila kami ulit dahil aakyat na kami sa stage para kunin ang diploma. Nasa magkabilang gilid ko si Mama at Papa. Ang aking kapatid ang magiging photographer ngayon. Todo ngiti ako habang pinipicturan kami sa stage.
Kapag umaakyat kami ay nagflaflash sa screen ang picture namin na nakasuot ng toga. Buti na lang maganda ako doon. Pagbigyan niyo na ako. Naalala ko rin ang motto na nilagay ko doon,
Everything happens for a reason, it's either a blessing or a lesson.
Tumayo kami ulit para kantahin ang Alma Mater Song. Memorize ko na ito, salamat kay Ely dahil napabilis ang pagmememorize ko nito kahit halos isang taon lang ako nag-aral dito. May mga ginawa pa bago pinakilala ang speaker ngayon.
BINABASA MO ANG
Presidente ng NBSB
Teen FictionIto ang kwento ng isang babaeng wala atang interes magboyfriend. Ang tangi niyang goal, makasurvive sa highschool ng hindi nakakapagboyfriend. Bakit ito ang naisipan niyang target? Dahil sa highschool life ng isang tao, hindi uso ang NBSB kasi ang u...