Miss President
"Congratulations Miss President"
"Congrats Dea"
Kanya-kanyang bati sa akin ang mga kaklase ko matapos iannounce kanina sa Flag Ceremony ang mga officers sa SC.
Ang Vice President ng SC ay si Miko Ocampo, yung kaibigan nila Khalyl. Dapat siya yung sasabihin kong gawing President pero di ko na nasabi kasi pinush talaga nilang ako ang mag-President.
Secretary naman si Faith Alcantara, mula sa 10-C and pinsan siya ni Drake, paano ko nalaman? Sinabi sa akin ni Khalyl, ang madaldal na lalaking iyon.
Si Franz Rodriguez na kaklase ni Christian ang Finance
Education naman ang kaklase ni Faith na si Alex Austria.
PRO si Gerald Bala mula naman sa 10-B tapos si Christian naman ang Sports Coordinator at ang Special Project naman ay si Ella Ibañez mula sa HUMSS 1.
Ang natitira ay mga councilors kaya mayroong 20 students ang kasali sa Student Council.
"Nice. Ang famous"
Umupo sa tabi ko si Drake. "Hindi man" sabi ko at ngumiti
"Pasok ka sa Volleyball team?" tanong niya.
Tumango ako, "Hindi ko alam na nirecruit pala ako ni Christian" sabi ko
Kasali pala yung baklang yon sa Volleyball Boys, kaya naman pala pag nagtratraining kami ay panay tingin sa akin nung Coach. Hindi ako type ng coach okay, kasi hindi kami talo HAHAHAHA. Kaya ayon, nasali ako sa volleyball team.
"Pero diba nagtry-out ka?"
"Oo pero malaking factor ang pagrerecruit sa akin ni Christian"
"Ang galing naman" sabi niya.
"Ikaw kaya ang magaling"
Tumawa siya sa sinabi ko, "Ako? Paano naman ako naging magaling?"
Nagkibit-balikat ako. "Bakit nga?"
"Secret"
"Luh, may ganon kaya" sabi niya kaya tumawa ako.
"Kasi nakasama kayo sa finals noon?"
"Akala ko naman na napanood mo kong maglaro" sabi niya. "Hindi kaya ako yung magaling"
"Basta magaling ka"
"Aba mapilit ka. O sige magaling na ako" sabi niya kaya sabay kaming napatawa
"Woy anong pinagtatawanan niyo?" tanong ni Khalyl,
"Ikaw" sabi ko kaya naman napatingin siya kay Drake,
"Aba pare binabackstab mo na ako"
"Hindi kaya pare" sabi ni Drake kaya tumawa kami ulit na ako.
"Hmp ikaw Miss President ha" sabi niya sa akin at nagcross-arm.
"O bakit ako?"
"Nanalo ka lang nangbubully ka na. Wooo bully" sabi niya kaya naman binatukan ko siya. "Aww. Masakit yun Dea ha"
"Kung ano-ano kasi sinasabi mo. Hindi ikaw yung pinagtatawanan namin. Uto-uto ka naman pala"
Napahawak sa dibdib si Khalyl sa sinabi ko, yung tipong parang nahurt ganon. "Katalas talaga ng dila mo. Halika putulin natin" sabi niya pero bago pa siya makalapit sa akin ay hinawakan ni Drake si Khalyl at inipit niya yung ulo ni Khalyl sa braso niya.
BINABASA MO ANG
Presidente ng NBSB
Teen FictionIto ang kwento ng isang babaeng wala atang interes magboyfriend. Ang tangi niyang goal, makasurvive sa highschool ng hindi nakakapagboyfriend. Bakit ito ang naisipan niyang target? Dahil sa highschool life ng isang tao, hindi uso ang NBSB kasi ang u...