Presidente ng NBSB Entry 26: Magnum

421 24 1
                                    

Magnum

Nitong mga nakaraang araw ay naging busy ako hindi dahil sa may bagong program, or dahil sa pagtakas pa rin sa issue. Hinihiling ko lang na sana ay makalimutan na iyon ng mga tao. At nito ring mga nakaraang araw ay laking pasasalamat ko sa tadhana dahil nakikisama siya. 

Ewan ko kakampi ata ni Drake yung tadhana dahil matapos niyang sabihin yung favor niya ay hindi na ulit nagkukrus ang landas namin ni Jendrick. Well kahit magkaklase kami ay parang bumalik kami sa first day, yung hindi namin alam na nag-eexist pala yung bawat isa sa amin.

Gaya nga ng sabi ko kanina ay naging busy ako sa pagpapraktis, malapit na kasi yung APSTAP, yung competition kung saan maglalaban lahat ng private school sa lungsod namin. So technically ay madami ang makakalaban namin, at nakalimutan ko na kung ano yung tawag sa kapag natalo ka ay laglag ka na. Basta ganon yung mechanics, at nasa dulo ng dila ko kung ano yung tawag doon. Basta iyon.

At dahil nga malapit na ang APSTAP, kung dati after ng class lang kami may practice. Ngayon pati weekend ay meron. Pang-umaga kaming magpapraktis, kumbaga half day kasi may gagamit ng court sa hapon. Siguro yung mga basketball player.

Speaking of basketball player, ewan ko bakit lapitin ako sa mga basketball player. When I say lapitin, hindi dahil nilalapitan ako ng basketball player, kung hindi ay nilalapitan ako ng bola dahil hindi naman ako basketball player pero sa akin napupunta yung bola. 

Paano? Nung dumaan lang naman ako sa court dahil pupunta na ako sa SC room ay may lumanding sa akin na bola.

AT DAHIL MALAKAS IYON KASI HINAGIS NG KUNG SINO, NAGKABUKOL HO AKO.

Hindi lang po ito isang beses na nangyari mga kaibigan, kundi maraming beses. Kung hindi sa ulo sa balikat. BASTA MATATAMAAN AKO NG BOLA. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil gusto ako ng bola o ano.

Hindi lang ito ang nangyari sa mga nakaraang araw. Dapat na akong matuwa dahil hindi na nagkukrus ang landas namin ni Jendrick, pero mukhang ayaw akong paawatin ng tadhana dahil si Adrian naman ang lagi kong nakikita. Kahit saan ako magpunta, makikita ko siya at ang malala nakakasalubong ko siya.

Laking pasasalamat ko na lang na may libro ako at kunwari ay nagbabasa ako para hindi ko siya makita. Well nagbabasa naman talaga ako. Buti na lang at hindi niya ako tinatawag. Thank you naman kung ganoon.

Tungkol sa issue sa pagsapak ko kay Mr. Dela Cruz ay nalaman pa rin iyon ni Ely. Matapos kasing umalis ni Drake nun, ay siyang pagsulpot ng dalawa. At naungkat pa rin iyon ni Ely. Dahil hindi naman big deal, talaga lang self ha, ay kwinento ko kay Ely.

At dahil doon nakakuha ako ng masakit na hampas sa kanya. Hindi dahil niyakap ako ng crush niya kundi dahil sa ginawa kong pagsapak sa lalaking iyon.

"Nag-iisip ka ba? Paano kung.." at bla bla bla marami siyang sinabi that time. Daig niya pa si Mama ko mga kaibigan. Nakalimutan ko lang kung ano mga pinagsasabi niya dahil ako minsan, pasok sa kanan, lalabas sa kaliwa.

At isa pa, mamememorize ko ba kung daig niya pa ang rapper sa sobrang bilis magsalita.

Nagulat na lang ako ng may pumitik na lang sa harap ko.

"Tulala ka diyan crush" sabi ni Drake at tumabi sa akin. ICL namin ngayon at nandito ako nakatambay sa may court.

Sinamaan ko siya ng tingin, ayan na naman siya sa tawag niya sa akin. Inalok niya ako ng stick-o, at ako syempre biyaya iyon tatanggi pa ba ako? Kumuha ako ng isa.

Presidente ng NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon