Presidente ng NBSB Entry 61: Still Bestfriends

292 18 4
                                    

Still Bestfriends

Mark Angelo Marasigan

"Anong ginagawa mo?"

Hindi ko pinansin ang batang babae at nagpatuloy sa pagbabasa. Nasa sala ako ngayon at dahil wala akong magawa ay nagbabasa na lang ako. May bisita si Mama, ang sabi niya kaibigan niya dati.

Lumapit sa akin ang batang babae at tumingin sa binabasa ko. Hindi ako sanay na may nakikibasa sa akin kaya ang ginawa ko ay nilayo ko ang libro at tinalikuran siya.

"Ang sungit mo naman"

Naramdaman kong umalis ang bata. Hinayaan ko na lang siya. Hindi ko rin naman kilala iyon. Siguro anak nung kaibigan ni Mama.

"Angelo"

"Po"

"Halika"

Binaba ko ang libro at pumunta kay Mama. Dinala niya ako sa labas ng bahay. Doon ko ulit nakita ang batang babae. Tumingin siya sa akin at inirapan ako.

Pinalapit niya ako sa dalawang babae. Yung isa ay kasing-edad ni Mama, ito ata yung kaibigan niya. Nakatingin lang sa gilid ang batang babae at hindi ako pinapansin.

"This is Tita Fe and this is her daughter. Mag-hello ka"

Humarap ako kay Tita Fe at kumaway, "Hello po"

"Hello. Dea mag-hello ka"

Hindi siya pinansin nung bata at nanatiling nakatingin sa gilid. Nakanguso pa siya.

"Ayaw. Ang sungit-sungit niya"

Napatingin sa akin ang Mama niya maski si Mama ko. Lumuhod si Mama para mapantayan ako, "Angelo"

"Hindi ko naman po sinasadya Mama"

Humarap ako sa bata, "Sorry"

Tumingin siya sa akin at doon ko lang siya napagmasdan. Nakaipit siya ng pig-tail at medyo mataba ang pisngi. Bilog ang mata, matangos ang ilong. Maliit siya, matangkad lang siguro ako.

Ngumiti siya sa akin, "Bati na tayo"

Gusto ko sanang sabihin na hindi ko naman siya inaway kaya lang baka pagalitan ako ni Mama.

Kapag bumibisita si Tita Fe dito ay lagi niyang dala yung bata. Inaya niya akong mag-laro. Natakot ako kasi baka Barbie ang ipalaro niya sa akin. Syempre babae siya, Barbie ang nilalaro niya hindi katulad kong lalaki na hindi Barbie ang nilalaro.

"Sinasabi ko sayo hindi ako naglalaro ng Barbie"

"Sino bang may sabing Barbie ang lalaruin natin?"

Kinuha niya ang mga laruan kong leggo at kinalat iyon. "Naglalaro ka ng ganyan?" tanong ko at umupo

"Hmm..hindi. Ngayon pa lang" sabi niya at sinusubukang bumuo ng kotse.

"Sure kang ayaw mong Barbie ang laruin mo?"

"Bakit may Barbie ka ba?"

"Malamang wala. Bakit ako magpapabili ng ganon"

Tumawa siya at nagpatuloy sa ginagawa. Kumuha na rin ako ng akin at bumuo. Nang matapos akong magbuo ay napatingin ako sa gawa niya. Hindi ko naiwasang tumawa sa ginagawa niya.

Presidente ng NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon