Presidente ng NBSB Entry 47: Eksena

399 33 8
                                    

Author: UD is here HAHAHAHA. Itary kong araw-araw na mag-update, itatry ha. Wag kayong umasa, masakit ang umasa char. Pero yun nga susubukan kong araw-araw mag-update para sa mga naghihintay. This is all for you guys. Enjoy reading :)

Eksena

     Acads before lakad, Reading before feelings.

    Lectures before closure, Requirements before commitments

-----

Pinili kong malate talaga ngayon dahil alam kong pag-uusapan na naman yung nangyari sa Outreach Program.

Okay lang kahit magbayad ako ng bente, makatakas lang kahit konti sa tingin ng mga tao.

Kanina pa ako ginigising ni Mama pero nagpanggap akong tulog, kanina ko pa iniisip yung dapat kong gawin. Panigurado akong alam na ni Gelo yung nangyari. Ang balita may pakpak.

"Hay nako Dea bilisan mo nga diyan late ka na"

Yun na nga Ma, late na ako bakit pa ako magmamadali? Sabihin ko sana yan kaso wag na.

"Ito na po" sabi ko habang nagsusuot ng sapatos.

Ano kaya ang iisipin ng mga tao sa akin? Tama bang magkaroon ka ng apat na nanliligaw sayo? Ano ito, more entry, more chances of winning?

Pagkasakay ko sa tricycle ay kung ano-ano na ang iniisip ko. Paano ako tatakas sa apat? Pwedeng bigyan muna nila ako ng time, NANG AKO LANG?

Lord bakit naman naging ganito ang kinahantungan ng buhay ko? Mabait naman po akong anak, mabait rin po akong kaibigan, opo binabara ko si Ely pero hindi naman harsh. Mabait din po akong estudyante, masipag pa. Wala akong bagsak sa exam, sa quiz. Ano pa?

Ay mabait naman po akong Student Council President, tumutulong naman po ako sa mga estudyante, maski sa mga pag-ibig nilang mas importante sa kanila kesa sa bagsak na marka.

Hindi rin naman po ako nanghihingi ng lalaki pero BAKIT APAT PO BINIGAY NIYO? HINDI NAMAN PO AKO GAHAMAN SA LALAKI

"Miss"

Nanaginip lang ba ako? Kagabi ko pa iyan ginawa pero hindi talaga.

"Miss" 

Nagulat ako ng kinalabit ako ni Kuya. Saka ko lang narealize na nasa harap na ako ng gate ng school. Humingi ako ng sorry at bumaba ng sasakyan.

Napatingin ako sa pangalan ng school namin. BAKIT BA KASI AKO LUMIPAT DITO?!

"Miss President" tawag sa akin ni Kuya Guard. Ngumiti naman ako ng pilit at dahan-dahan pumasok ng gate.

Nadatnan ko si Ma'am Adele. Ang galing nga naman, nasaktuhan pang si Ninang ang nakatoka sa paniningil ng late.

Hindi naman ako pwedeng umatras kasi nakita niya na ako at malaki ang ngiti niya. Sa isip-isip ko ay ngumangawa na ako.

"Bakit ka naman late?" tanong niya habang pinipirmahan niya ang pangalan ko sa listahan.

"Nalate po ng gising"

Kita sa mukha ni Ma'am Adele na hindi siya naniniwala pero hindi na lang siya nagsalita.

"Alam mo bang hinahanap—"

"Ah Ma'am akyat na ako" at walang sabi-sabing tumakbo ako kahit na nakaheels ako. Narinig ko pa ang pagtawa niya. Ayokong marinig ang pangalan ng apat. KAHIT NGAYONG ARAW LANG PWEDE?

Presidente ng NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon