Retreat: Jacket
Masarap talaga ang magmahal pero mas masarap talagang kumain
-----
Pare-pareho kaming nagising ng may kumatok sa pinto. Si Lara ang nagbukas nun. Tinaas ko ang kumot at umiba ng pwesto sa pagkakahiga. Narinig ko ang pagsarado ng pinto.
"Gising na. Wake up call. Kailangan nating bumaba"
Tamad akong bumangon habang nakapikit. Narinig kong may pumasok sa banyo. Kinapa ko ang cellphone at gusto kong mapamura ng makita kung anong oras pa lang. 5 PA LANG NG UMAGA.
"Hoy maghilamos ka na diyan at magmumog"
Sinunod ko ang sinabi ni Ely at tamad na pumunta ng banyo. Inipit ko ng bun ang buhok ko saka naghalimos pagkatapos ay nagmumog. Paglabas ko ng banyo ay inabutan ako ni Ely ng towl at tinanggap iyon. Pumunta ako sa may cabinet at kinuha ang varsity jacket ko.
Inaalala ko kung paano ako maliligo mamaya gayong malamig. At ano ba ang naisipan ng mga teacher at ginising kami ng ganitong oras? Porket maaga kaming pinatulog. Buti sana kung maaga kaming nakatulog kaso dinaldalan pa kami ni Ely kaya anong oras na kami natulog, idagdag pa yung nawawalang bracelet ko.
Pumunta kami sa labas at pumila kami sa girls. Hindi lang kami ang halatang mukhang sabog. Unti-unting nagsisidatingan ang mga iba. May naririnig pa akong nagrereklamo bakit an gaga kaming ginising.
Nasa harap sina Sir Gio at Ma'am Adele na parehong nakasuot ng jacket. Malamig guys. Alas singko pa lang ng umaga.
"Nandito na ba ang lahat?"
Nagroll call sila ng room number para malamang lahat ng estudyante ay nandoon. Lahat ng mga magkakaroommate ay nandito kaya nagsimula na sila. At alam niyo anong ginawa namin? Nag-exercise.
Napakamot ako sa ulo at nagsimula kaming magstretching. Naririnig ko ang pagreklamo ni Ely.
"Ayan kasi hindi ka nagbabanat ng buto. Maaga kang magkaka-arthritis"
"Porket player"
Napatawa ako ng irapan niya. Pagkatapos namin magstretching ay nagjogging kami. Grabe, okay na rin ito, pampapawis. Para makakaligo ako mamaya kasi hindi malamig. Sabihan pa ako ng kambing ni Ely.
"Buti pa si Dea sanay na dito" sabi ni Lara
Umasta akong pinagpagan ang balikat ko at napatawa ng inirapan ako ulit ni Ely, "Napakayabang"
Ilang minuto ang tinagal ng jogging namin at kung ano-ano pa ang ginawa namin bago kami nagkaroon ng activity. Ayan na naman tayo sa activity, last na nag-activity kami nawala yung bracelet, ano naman kaya ang mawawala sa akin?
"Sa lugar na ito ay may tinago kaming mga flag. Ang equivalent na flag na makukuha niyo ay para sa pagkain. Apat ang flag na nakatago, red, blue, white and gold. Nakalagay sa likod ng flag ang pwedeng makuha niyo. Ang gold naman ay pwede kayong magrequest ng gusto niyong kainin....but tatlo lang ang flag na iyon. Kung ilan kayo sa grupo ay ganoon dapat ang bitbit niyong flag. Make sure na bago matapos ang time limit ay meron kayong kanya-kanyang flag. Kapag wala, hindi makakakain ang walang flag"
Nag-iba ang atmosphere ng sabihin iyon ni Ma'am. Naging competitive ang halos lahat. Syempre privilege na iyon ano, pwede kang magrequest ng pagkain mo
"Ang white ang pinakamarami dahil kanin iyon. Kung gusto niyong magextra-rice dapat may white flag pa kayo na sobra. Sunod ang red, blue at huli ang gold. When I call your room number step forward para malaman niyo ang magiging kagrupo niyo. By the way, ang unang matatapos ay may premyo"
BINABASA MO ANG
Presidente ng NBSB
Teen FictionIto ang kwento ng isang babaeng wala atang interes magboyfriend. Ang tangi niyang goal, makasurvive sa highschool ng hindi nakakapagboyfriend. Bakit ito ang naisipan niyang target? Dahil sa highschool life ng isang tao, hindi uso ang NBSB kasi ang u...