Year End Break
Sa sobrang close niyo sa isa't isa hindi mo namamalayan, nahuhulog ka na pala sa kanya
-----
Pagkatapos ng Retreat ay naging busy naman kami sa Work Immersion namin. Bukod doon ay busy akong tumakbo. Simula nang mangyari nung Retreat iniwasan ko si Jendrick. Hindi ko alam basta kapag dumadating siya tumatakbo ako.
Kapag nasa room naman kami, nakikipagkwentuhan ako kay Khalyl o kaya kay Miko. Minsan napapadpad ako sa tabi ni Ely. Hindi ko kayang makasama siya, di ko alam masyado akong kinakabahan. Kapag nandiyan malakas ang tibok ng puso, para akong aatakahin. Wala naman akong sakit sa puso.
Kinakausap ko naman siya kapag may katuturan ang pag-uusapan. Pero ramdam kong nawiwierduhan sila sa akin. Paano may time nung ICL namin,
"Uno" sigaw ko ng maging isa ang uno card ko. Nakatambay kami sa hallway at napagdesisyunan ng mga kaklase kong maglaro ng uno.
Naglapag si Khalyl ng plus 2 at naging sunod-sunod ang paglapag ng mga kalaro ko ng plus. Napangisi sa akin si Khalyl, kanina pa niya ako pinupuntirya, paano laging ako ang unang nakakauno. Kasalanan ko bang maganda ang bigay sa akin ng baraha.
Napangisi ako sa isip ko, sorry kayo maganda ang huling card ko. Ilang plus na ang nilapag nila at ng ako na ay napakamot ako sa ulo at umaktong kukuha ng card. Malaki ang ngiti sa akin ni Khalyl, akala niya ata matatalo niya ako.
Ilalapag ko pa lang yung card ko ng biglang magsalita si Jendrick sa likod ko. Halos sumandal ang baba niya sa balikat ko at heto na naman yung kabog ng dibdib ko. Napatayo ako agad at binagsak ang card ko. Nagulat sila Khalyl maski si Jendrick ay tumingin sa akin.
Tumawa ako pero pilit ang pagtawa ko. Dahan-dahan akong tumigil sa pagtawa ng makitang nakatingin sila lahat sa akin. Umubo ako at pinagpag ang palda ko. Para kang sira Dea.
"Tuloy niyo yung laro. Bibili muna ako ng pagkain sa canteen"
Dali-dali akong tumakbo papunta sa canteen habang kinakalma ang sarili ko. Pagdating sa canteen ay bumili ako ng chuckie. Pagkabayad ko ay tinusok ko ang straw tsaka ininom iyon.
"Are you okay?"
Bigla akong napisil ang chuckie kaya halos tumapon ang laman nito sa akin. Buti naiiwas ko kaagad kaya lang ay inubo ako. May pumasok pa ata sa ilong ko, ang sakit non.
Lumapit siya sa akin pero agad din akong umatras. Napakunot ang noo niya at tinitigan ako.
"Ayos lang naman ako" sabi ko at tumawa ako. Hindi ko alam bakit tumawa pa ako. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at pinunasan ang kamay ko.
"Iniiwasan mo ba ako?"
Tumingin ako sa kanya pagkatapos ay tumawa ulit. "Bakit naman kita iiwasan?" sabi ko at uminom. Napatingin ako sa gilid at napapikit.
"I don't know. Mukha kasing iniiwasan mo ako"
Hinampas ko siya braso habang tumatawa. Para na akong sira. Ano bang nakakatuwa?
"Masyado kang praning"
Magsasalita palang sana siya ng nakita ko si Ely sa labas. Tinawag ko si Ely at huminto siya. Kumaway ako sa kanya at sumenyas na hintayin ako. Tinapik ko si Jendrick sa braso saka tumakbo palabas ng canteen.
Sumigaw ako sa unan ng marealize ang pinaggagagawa ko sa mga nakaraang araw. Sobrang weird ko na sa paningin ng mga kaklase ko. Okay naman ako kapag sila Drake ang kasama ko pero kapag si Jendrick. Di ko alam, sinasabi ng utak ko kapag nandiyan siya, takbo Dea.
BINABASA MO ANG
Presidente ng NBSB
Teen FictionIto ang kwento ng isang babaeng wala atang interes magboyfriend. Ang tangi niyang goal, makasurvive sa highschool ng hindi nakakapagboyfriend. Bakit ito ang naisipan niyang target? Dahil sa highschool life ng isang tao, hindi uso ang NBSB kasi ang u...