Presidente ng NBSB Entry 62: Still My First Love

303 20 2
                                    

Still My First Love

Adrian Madrigal

"Gusto mo tol sa bahay na lang tayo maglaro?" tanong sa akin ni Darryl habang nilalaro ang bola ng basketball.

"Ano namang gagawin natin sa bahay niyo?"

Nagkibit-balikat siya at nagdribble, "Ayain natin si Ate, kawawa naman ang isang iyon. Taong bahay"

"Makikipaglaro kaya iyon?"

Dahil bakasyon na naman ay dito muna ako kay Lola nagbabakasyon. Wala rin namang magawa doon sa bahay. Walang makalaro, buti pa dito. Kahit naman mas bata sa akin si Darryl ay okay lang. Di naman siya pihikan, isa pa di naman halatang mas bata siya dahil hindi nagkakalayo yung tangkad naming dalawa.

Alam kong may kapatid siya dahil minsan niya ng nabanggit sa akin. Kasing edad ko raw kaya lang hindi rin naman namamansin ang kapatid niya dahil gaya ng sabi ni Darryl, taong bahay ang isang iyon.

Ayoko naman sabihin din kay Darryl na ayain si Ate niya, baka mahalatang trip ko yung kapatid niya.

"Makikipaglaro iyon. Boring na boring na siguro iyon. Tara"

Pumunta kami sa bahay nila at nadatnan namin ang kapatid niyang nakatunganga sa likod ng bahay nila. Iniwan kaming dalawa ni Darryl dahil magpapalit lang muna raw siya ng damit. Habang hinihintay si Darryl ay hinagis-hagis ko yung bola pataas.

"Maglalaro kayo?"

Iyon ang unang beses na kinausap niya ako. At iyon ang unang beses na nakipaglaro siya sa amin. Akala ko nga nung makikipaglaro siya ay Barbie ang ipapalaro niya sa amin. Buti na lang hindi. 

Nakikipaglaro din siya sa amin ng Basketball. Akalain mo iyon, hindi palalabas ng bahay pero marunong maglaro ng ganito?

Nahinto lang ang pagpunta ko doon ng namatay ang Lola ko. Aminin ko, nalungkot ako hindi lang dahil sa namatay si Lola kundi iyon na rin ang huling beses na makikita ko si Dea. Wala na akong balita sa kanya simula noon. Pero kahit ganoon, lagi ko siyang iniisip. Kung sakali bang magkita kami ulit, maaalala niya pa kaya ako?

"Malalate na tayo Adrian"

Kinuha ko ang suit ko sa drawer at lumabas ng kwarto. Kundi lang namin kamag-anak ang mga iyon. Hindi naman talaga ako sasama dapat. Ano namang gagawin ko doon?

Pero buti na lang at pumunta ako. Hindi ko naman ineexpect na sa party na iyon ko ulit siya makikita. This time naging magkaibigan kami. Kahit sa ibang school siya nag-aaral, ayos lang. Basta nakikita ko siya ulit.

"Babaero. Kapag ikaw nakarma, tigil-tigilan mo iyan"

Lagi niyang sinasabi iyan kapag nakikitang iba-iba ang kaharutan ko. Tinawanan ko lang siya pero sa loob-loob ko. Iniisip ko ba kung nagseselos siya o ano. Mukhang malabo naman iyon, iyan pa, masyadong matigas sa mga lalaki.

Pero may isa siyang kaibigan, bestfriend niya raw, si Angelo. Schoolmate ko rin. Gusto ko nga sanang magselos kay Angelo pero parang naawa rin ako kasi nakikita ko yung sarili ko sa kanya. Gusto niya rin si Dea pero itong isa, napakamanhid.

Pinagalitan ko siya nung minsang pinatulan niya yung umaway sa kanya. Alam ko naman na sakit niya na ako sa ulo dahil sa mga pinaggagagawa ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa pinagdadaanan ko kaya niya ako pinagtyatyagaan o may iba pa.

"Alam mo Ian maawa ka naman sa akin, ako pinagdidiskitahan ng mga nilalandi mo"

"Sila ang lumalapit sa akin"

Presidente ng NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon