Presidente ng NBSB Entry 24.2: Buwan ng Wika 2.2

464 24 0
                                    

Buwan ng Wika 2.2

Ilang minuto pagkaalis ni Maica ay siya naman pagdating ng dalawa, si Ella at Miko. Wala sa mood ang itsura ni Ella kaya kinabahan ako baka makaapekto ito sa program. Lalapitan ko sana si Ella ng pigilan ako ni Miko at umiling.

Mukhang kilalang-kilala nga ni Miko si Ella dahil ng magstart ng program ay maayos ang flow nilang dalawa ni Christian, kumbaga matatawag na professional si Ella dahil hindi mo mapapansin na wala siya sa mood kanina bago magstart ang program.

After ng opening remarks, ay nagstart ang Talentadong Pinoy. Ang talentadong pinoy ay kumbaga pakitang gilas ng mga bawat year. Hindi na namin ginawang by section dahil sa sobrang dami ng section bawat year ay hindi ito magkakasya sa isang araw.

Isang araw lang ang ibinigay sa amin ni Madam Principal, halos ang ginawa namin sa program ay puro bawat year para hindi rin sayang sa oras.

Habang nanonood ako rito sa may backstage ay hindi ko pa rin makalimutan yung nangyari kanina. Mukha ba akong sumbungera doon?

Or pinapalaki ko lang yung mga bagay-bagay kaya ganoon ang naging asta ni Maica?

"Okay ka lang Miss President?" sabi ni Miko.

"Okay naman" sabi ko, "Kanina ka pa diyan?"

"Medyo" sabi niya. Inabutan niya ako ng tubig. "Wag mo ng pansinin yung kanina" umpisa niya

"Ewan ko ba" sabi ko at uminom. "Prepared na ba yung Grade 12?" tanong ko

"Oo although kinakabahan sila dahil may naiipit pa rin sa kawayan" sabi ni Miko.

Ang gagawin kasi ng mga Grade 12 ay magtitinikling. Sabagay mahirap magtinikling, masakit yun lalo na pag naipit paa mo sa kawayan.

After ng mga Grade 11 ay Grade 12 na ang sumunod. Gusto ko nga sanang sumali sa Talentadong Pinoy kaso wag na, panalo na kami agad non. De joke lang.

Maayos naman ang performance ng mga Grade 12, mukha silang nag-enjoy. Syempre dapat talaga ienjoy ang performance, para mas maganda.

After ng Talentadong Pinoy ay sumunod yung Tunog Musika. Kung maaalala niyo ay dapat na pagsabayin yung dalawang events diba? Yung Nutrition ganon tapos naisip namin na dapat silang gumawa ng musika sa pamamagitan ng mga gamit pangkusina.

At ang cute nung amin. Syempre palaban adviser namin, si Sir Led ang naging mentor ng mga kaklase ko.

May iba pang performance na nangyari mula naman sa P.A or Performance Arts. Syempre dapat may matitira na magpeperform para sa Lakan at Lakambini mamaya.

Ang mananalo sa bawat performance ay sabay-sabay na iaannounce mamayang hapon.

Syempre si Christian at Ella pa rin ang mageemcee mamaya. Sana may boses pa sila, o kaya dapat hyper you know hapon kasi at ang hapon ay nakakaantok.

Hindi ko na idedescribe lahat ng mga pinaggagagawa ng mga ibang year konting explanation na lang.

Ang mga Grade 7 ay nagspoken parang ganon ho. Yung Garde 8 ay kumanta ganon din po ang Grade 9. Ang Grade 10 naman ay may pa-sing and dance, tapos kaming senior high ay nagfolk dance. Okay na?

Marami pang nagyari pero di ko rin masasabi kasi palakad-lakad po ako ngayon meaning, hindi ko po napanood halos yung mga performance dahil kailangan magready for Lakan at Lakambini kaya lagi akong pinapatawag ni Ma'am.

Presidente ng NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon