Presidente ng NBSB Entry 8: Ate Girl

567 27 0
                                    

Ate Girl

Kinabukasan

Pagkagising ko ay tiningnan ko yung araw ngayon. Napabuntong hininga na lang ako ng makitang umandar ulit ang araw. Akala ko nananaginip ako, hindi pala.

"Dea! Gumising ka na, andito na si Elyssa"

Tamad akong bumangon hanggang sa banyo ang bagal ng kilos ko. Ewan ko, parang tinamad ata akong pumasok ngayon. Lalo na sa mga nangyari kahapon sa first day. Nakakainis na first day. Para akong sumakay ng roller coaster, nahilo ako sa mga nangyari.

Teka, di pa pala ako nakasakay ng roller coaster kaya paano ko nalaman yung feeling?

"DEAMARIZ!!!"

Ayan na bubuga na ng apoy yung dragon. Di ko alam kung ilang minuto na ang nilaan ko sa pagligo, pagbihis, dahil pagdating ko sa sala, nakabusangot si Ely.

"Anong itsura yan?" tanong ko at pumunta sa hapag-kainan naming. Sumunod sa akin si Ely, nagulat ako ng umupo siya. "Anong ginagawa mo?"

"Duh, malamang kakain"

"Wala ba kayong pagkain sa bahay niyo?"

"Huy Dea, ano ba yang sinasabi mo" sabi ni Mama ng ilagay niya yung pagkain sa mesa.

Umupo ako. Magkaharap lang kami ni Ely, "Trip ko dito kumain, may schedule yung pagkain ko dito"

Tiningnan ko siya na para bang may sinabi siyang di ko maintindihan. Pambihirang babaeng ito.

Mabagal ako kumain, kaya naman halos di ko manguya ng mabuti yung kinakain ko dahil tapos na lahat ng tao sa hapag-kainan na kumain ako na lang ang hindi.

"Ano ba yan, late ka na nga gumising, bagal bagal mo pang kumilos. Pati ba naman sa pagkain? Nag-alarm ka ba?" tanong niya sa akin.

"Oo" sagot ko

"Bakit anong oras ka na nagising?"

"Nakalimutan kong i-on yung alarm"

Napasapo ng noo si Ely, "Dea, Dea. BILISAN MO NA LANG DIYAN MYGHAD..... SEVEN 15 NA DEA MARIZ. YUNG BYAHE PA NATIN SA SCHOOL!"

Hindi ko na inubos yung pagkain ko at dumiretso sa kwarto para magtoothbrush. Dinaig ko si flash sa sobrang bilis. Pero napaisip ako ng kinuha ko yung bago ko. Bat ba ako nagmamadali? Late na din naman ako.

"DEAAAAA!!!"

Sabi ko nga nagmamadali ako.

Saktong 7:25 kami nakarating ng school pero si Ely, hindi pa din makamove-on sa nangyari.

"Alam mo baka ng dahil sayo magkaroon ako ng unang late sa buong highschool ko dito sa school natin"

"Alam mo kung di ka titigil diyan, isusungalngal ko sayo itong plastic" sabi ko.

Hindi na siya nagsalita at bumalik sa pwesto niya. Hinihintay namin yung teacher namin sa second subject. Nagtataka siguro kayo kung saan ko nakuha yung plastic. Wala nakita ko lang sa bag ko. Ewan ko paano nagkaroon ng plastic sa bag ko.

Maya-maya dumating yung teacher namin at nagpagawa ng activity by pair, pero ang kapair namin e yung katabi namin. Bale yung kapair ko ay.......

Kinopya naming yung question na sinulat ng teacher namin sa board, second day essay. Nice.

Tiningnan ko yung partner ko, naramdaman siguro niyang nakatingin ako kaya nilingon niya ako at,

"Crush mo ko ano"

Halos malaglag ako sa upuan dahil sa sinabi niya. Anong klaseng confidence ang meron ito?

Presidente ng NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon