Presidente ng NBSB Entry 53: Hot Seat

325 28 8
                                    

Hot Seat

     Yung mga walang lovelife, taga "Ayyiiieeee!" inaatupag.

-----

Wala nang nangyaring iba sa sembreak ko bukod sa paglabas namin ni Drake at pang-aasar sa akin ng mga officers ko.

Wala ng date na nangyari. Isang date lang iyon at ang kasama ko ay si Drake. Kung hinahanap niyo si Jendrick, pinaglalamayan na iyon.

Kinukulit ako nila Christian kung lumabas ba raw ako ulit. Sabi ko oo lumabas ako, lumabas ng bahay.

Hinayaan ko na lang. Hindi naman siguro umasa yung isa na ako pa mag-aaya ng date, sabi ko bahala siya maghanap ng lugar na pwedeng pang-date. Aba mukhang walang nahanap na lugar kaya hindi ako inaya sa labas. Isa pa wala naman siyang sinabi kung kailan kami lalabas o ako, wala akong sinabing dapat ganitong araw lalabas tayo.

May pakikipagkumpitensiya pa siyang nalalaman sa day tapos hindi man lang lumaban sa date. WEAK! Teka, bakit parang disappointed ka self?

Hindi ako disappointed. Trip ko lang maglabas ng hinaing sa buhay. Syempre nung Undas pumunta kami sa sementeryo para dalawin ang puntod ng lolo ko. Akala ko makikita ko nga si Adrian sa sementeryo pero nakalimutan ko malawak pala ang sementryo.

Sayang may iinisin sana ako kaya lang wag na. Ako pa ang nagmukhang nainis. Akala ko uuwi si Gelo ilang araw bago balik-klase kaya lang isa pa iyon, BUMALIK NG KINABUKASAN ANG KLASE. Hindi tuloy kami nakalabas.

At ngayon start na ng second sem. Nabawasan ang ICL namin pero kung tutuusin ay araw-araw may ICL pa rin kami, hindi nga lang madami katulad nung first sem. Iniba na rin ang seating arrangement, buti naman puputi na ang buhok ko kay Khalyl.

Pinunta ako sa likod, katabi ko si Miko. Dapat na sana akong matuwa kaya lang, tinabi ulit sa akin si Khalyl. Ang malala, nasa likod din si Jendrick at Drake. Ang pwesto ko ay tapat ng table. Ibig sabihin,

Jendrick – Drake – Khalyl – Ako – Miko – at iba kong classmate

Si Ely ay nasa kabilang row. Tinabi ako sa magbabarkada, ang galing mo Sir, magaling.

"Dapat si JC at Drake ang nasa pwesto ni Khalyl at Miko, Sir" sabi ni Marwin

"Okay na iyan, para naman walang magsuntukan dito sa room" sagot ni Sir Led

"Ang cute naman ng bracelet mo"

Napatingin din si Miko sa bracelet ko. Hindi na ba tatahimik si Khalyl? Ang daming napapansin.

Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko at itinaas iyon, pinapakita yung bracelet ko. Hinarap niya iyon kila Drake at Jendrick.

"Kayong dalawa, tingnan niyo ito"

Lumingon si Drake at Jendrick, tiningnan ang bracelet ko.

"Ang cute ano? Sino nagbigay?"

Sinusubukan kong bawiin ang kamay ko kaya lang hindi binibitawan ni Khalyl. Di ko naiwasang bumuntong-hininga, "Regalo sa akin nung birthday ko"

"Ngayon ko lang ito nakita?"

"Kasi ngayon ko lang napagdesisyunan na suotin"

"Nakita ko na iyan" sabi ni Drake, "Suot niya nung nagdate kami"

Narinig iyon ng mga kaklase ko, nagsimulang mag-ingay. At dahil first day pa lang ng second sem ay hinayaan muna kami ni Sir Led magdaldalan dito. Bukas, start na raw ng lessons.

Presidente ng NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon