Sakit Sa Ulo
Sa nagdaan na araw ay hindi ako mapakali, hindi ko matanggap na may alam sa akin yung tao tapos ako hindi ko alam na may alam siya.
Grrrr
Matapos kong makita yung nangyari sa library, hindi ko alam kung prinoprotektahan niya ako o nakikipaglaro siya sa akin. Ramdam din nila Gelo kung ano yung nararamdaman ko. Hindi man namin gusto na maging out of place si Maica sa amin pero hindi pa ako handa.
Buti na lang at iniba ni Ely yung usapan nun dahil syempre hindi manhid si Maica, feel ko naguguluhan siya. Well kahit sino naman.
"Anong balak mo?" tanong sa akin ni Gelo ng naiwan kaming tatlo nila Ely.
Nagkibit-balikat lang ako dahil maski ako hindi ko alam.
"You think alam niya?" tanong ni Ely
"Pwedeng oo, pwedeng hindi. Pwedeng hinuhuli lang niya ako. Pero..."
"Pero?"
"Malakas ang kutob ko na may alam siya"
"Paano mo nasabi"
"Anong kinalaman mo sa pag-alis ni Adrian sa team?"
"Ano?"
"Yan. Iyan ang tinanong sa akin ni Jendrick"
Nagtinginan si Ely at Gelo, nagulat sa sinabi ko. "Teka hindi ko nakukuha" sabi ni Gelo
"Maski ako wala akong nakukuha, katulad ng anong kinalaman ko? Bakit parang kasalanan ko na umalis si Adrian sa basketball. Ako ba yung bola?"
Bigla kong naalala yung usapan namin ni Khalyl na sumali si Adrian sa gulo, ibig sabihin plano niya na talagang umalis pero bakit? Bakit kailangan niyang talikuran yung pagbabasketball. Ano yung importanteng bagay na iyon?
"You think may kinalaman ka sa pag-alis ni Adrian?" tanong ni Ely
"Yun ang sabi ni Jendrick"
"Pero bakit?"
"Wag ako yung tanungin mo. Dahil hindi ko alam"
"Sa tingin ko kailangan mo na siyang kausapin Dea" sabay kaming napatingin ni Ely kay Gelo, "You need to settle this things as soon as possible"
Naigulo ko na lang ang buhok ko at inihiga ko yung ulo ko sa mesa. Ano bang nangyayari sa takbo ng buhay ko? Para akong nasa roller coaster sa sobrang dami ng paikot-ikot na nangyari.
Pumikit ako ng mariin, mas sumakit yung ulo simula ng mag-aral ako dito sa GJC. Dapat ba akong magsisi dahil hindi ko pinigilan si Mama o nagsabi man lang na ayaw kong lumipat? Edi sana hindi ko masakit yung ulo ko sa nangyayari.
Naalala ko tuloy,
Nagpapraktis kami ngayon, kailangan dahil nalalapit na ang laban. Pero dahil sa nangyari sa library minsan lutang ako. Nadulas nga ako habang tumatakbo kami, hindi ko nagagawa ng maayos yung pinapagawa sa amin ng coach ko.
"Okay ka lang?" tanong ni Camille
Tumango ako, pinagbreak muna kami at kinausap ako ng coach ko. Humingi syempre ako ng sorry dahil sa sobrang lutang ako. Geez, sa bahay mo na ituloy ang pag-iisip Dea, maapektuhan yung training mo.
BINABASA MO ANG
Presidente ng NBSB
Teen FictionIto ang kwento ng isang babaeng wala atang interes magboyfriend. Ang tangi niyang goal, makasurvive sa highschool ng hindi nakakapagboyfriend. Bakit ito ang naisipan niyang target? Dahil sa highschool life ng isang tao, hindi uso ang NBSB kasi ang u...