Presidente ng NBSB Entry 17: Congrats Dee

489 27 1
                                    

Congrats, Dee

*AFTER CLASS*

"Mauuna ka na niyan umuwi?" tanong ko kay Ely habang pababa ng hagdan. 

"No. Hihintayin kita" sabi niya.

"Di ka ba mabobored?"

Umiling siya, "Hindi kasi..."

Pagdating namin sa baba ay may tinuro siya kaya naman napalingon ako. Sa court andoon ang Basketball Team, nagtratraining.

"Papanoorin ko sila at mas lalong papanoorin ko si crush" sabi niya at walang sabing pumunta sa may bench malapit sa court. Napailing na lang ako at nagsimulang maglakad papunta sa SC room.

Okay na yon atleast hindi ako makokonsensiya na may naghihintay sa akin dahil di naman siya mabobored. Tunawin niya yung crush niya kung gusto niya.

Habang papunta ako sa SC room ay nakasalubong ko si Drake,

"Uy" bati niya. "Saan ang punta natin?"

"Sa SC room" sabi ko at huminto sa paglalakad.

"May meeting?"

Tumango ako, "Makakapunta si Miko?" tanong ko.

"Oo, pero saglitan lang daw. Alam mo na may training"

Napatango ako, "Syempre mas mahirap sayo kasi ikaw yung President"

Ngumiti lang ako, "Di ko naman papasukin ito kung alam ko namang hindi ko kaya" sabi ko. "Anong ginagawa mo dito? Diba nasa court ka dapat?"

"Jogging. Nalate e" sabi niya at napahawak sa batok niya. "Masyadong mahigpit si Captain"

"Nagjojogging ka pala, bakit huminto ka?"

"Nakita kasi kita. Gusto lang kitang batiin"

"Hindi na kailangan baliw"

"Wala na. Nangyari na"

Umiling-iling ako, "O siya magjogging ka na at pupunta pa ako sa SC room"

"Late na din ba?" sabi niya. Tumango ako at sabay kaming tumawa. "Mabagal kasing maglakad" sabi ko.

Ginulo niya yung buhok ko, "Mauna na ako Miss President baka may magalit" sabi niya kaya naman pinanood ko siyang tinuloy yung jogging niya. 

Nang makaalis si Drake ay nagsimula ako ulit maglakad. Nakakahiya din sa mga officers. Ako na President, ako pa yung late. Tsaka di rin porket Ninang ko si Ma'am Adele ay dapat na akong magpalate.

Pagdating sa SC room, andoon na halos ang halos karamihan. Nakahinga ako ng maluwag dahil wala pa si Ninang. Umupo ako sa pwesto ko at nilagay yung bag sa may gilid ng pwesto ko.

Maya-maya ay dumating na si Ma'am Adele,

"Andito na ba lahat?" tanong niya. Tumingin siya sa paligid, "Mukhang nandito na nga. So, we will start the meeting now"

"Saglitan lang ang meeting dahil ididiscuss ko lang yung rules and regulations and yung mga dapat na paghandaan as a part of Student Council" sabi ni Ma'am. "Okay first, ayokong may nalalate when it comes to meeting"

Okay Dea isa kang malaking ekis, de joke lang. Bilisan na lang natin maglakad. Wag yung lakad pang-Luneta.

Nagtaas ng kamay si Faith, "What if may reasons naman po kapag nalate?"

Presidente ng NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon