Presidente ng NBSB Entry 55: Retreat: Beginning

299 23 5
                                    

Retreat: Beginning

     Hindi masamang tumawa, masama lang kapag nanghahampas ka na

-----

Dahil alam kong mahaba ang oras ng byahe ay natulog ako. Alam kong hindi ako sasandal kay Khalyl dahil di naman ako ganoon. Kapag sumandal ako sa bintana,di na magbabago ang posisyon ko.

Pero bago ako matulog ay ang katabi ko ang unang nakaidlip sa akin. Nagulat na lang ako ng bumagsak ang ulo niya sa balikat ko. Tinutulak-tulak ko yung ulo niya pero parang magnet ito sa balikat ko, babalik at babalik.

Napairap na lang ako at siniksik ang sarili ko sa gilid. Pumikit ako at sumandal sa bintana, itutulog ko na lang ito kesa pumuti buhok ko kay Khalyl.

Naalimpungatan ako ng may gumising sa akin. Hindi ko iyon pinansin at mas siniksik ang sarili ko. Bakit parang bumango yung bintana? Nakarinig ako ng mahinang pagmumura.

"Hey wake up"

Hindi ko pa rin pinansin yung nanggigising sa akin. Parang ngayon ko lang naappreciate yung bango ng bintana. Mas inamoy ko pa yung bintana at narinig kong may napasinghap.

May tumapik sa pisngi ko kahit labag sa loob ko ay dahan-dahan kong minulat ang mata ko. Mukha ng lalaki ang nakita ko pero masyadong malabo kaya hinayaan kong mag-adjust yung mata ko.

Kumunot ang noo ko ng mapansing parang mas tumangkad yung katabi ko. Mas lalong kumunot yung noo ko ng hindi pamilyar yung suot. Hindi ganito ang suot ni Khalyl. Pagkakaalam ko nakablack si Khalyl at hindi naka-white. Iniangat ko ang mukha ko at si Jendrick ang nakita ko. Halos malapit ang mukha namin sa isa't isa. Ilang segundo din ang nakalipas ng matauhan ako.

Agad akong lumayo sa kanya at nauntog sa bintana. Napahawak ako sa ulo ko. Potek bakit si Jendrick ang katabi ko? Bakit ako nakasandal sa kanya? Agad kong tinakpan ang mukha ko, kaya pala mabango kasi nakasiksik ako sa leeg niya.

"Are you okay?"

Sumilip ako at nilibot ang tingin. Kami na lang dalawa ang nasa bus.

"Nasa baba sila. Magbreakfast muna raw bago dumiretso sa retreat house"

Agad akong tumayo at kinuha ang pitaka ko. Hindi ko siya pinansin at dire-diretso lang ako. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa.

Nakakahiya iyon. Suminghot-singhot pa ako. At bakit ba siya ang katabi ko? Saan napunta si Khalyl? Sa pagkakaalam ko nauna pa iyon matulog kesa sa akin? Anak ng..

"Watch out"

Agad hinarang ni Jendrick ang kamay niya at doon ako nauntog imbes na sa glass door. Hindi ko napansin na masyado akong lutang at muntik pa akong mauntog. Inirapan ko lang siya at pumasok. Sabay kaming umorder ng pagkain.

Hindi ko mahanap sila Ely kaya napagdesisyunan ko na lang na mag-isang kakain. Pumunta ako sa bakanteng mesa. Bago ko pa ako makaupo ay may pumigil sa braso ko.

"Ano na—"

Sumenyas siya sa akin na wag magsalita at may tinawagan sa phone niya.

"Where are you?"

Tumingin siya sa akin habang may kausap. Inirapan ko lang siya.

"May bakante pang upuan?....Yeah, She's with me....Okay"

Nakamaong siya at suot din ang GJC shirt na pinatungan ng puting jacket. Nakasuot siya ng relong mamahalin. Hindi ko alam kung anong relo iyon dahil wala naman akong alam sa relo. Yung relo ko kay Mama ko pa iyon, gusto nga nila akong bilhan ng relo sabi ko wag na dahil gumagana pa naman yung relo.

Presidente ng NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon