Presidente ng NBSB Entry 11: Homonyms

515 32 0
                                    

Homonyms

Mabilis lang lumipas yung weekend. At ngayon, lunes na namaaaaaan!!!!!

"Oy!"

Umupo si Ely sa tabi ko. Andito kami ngayon sa room at katatapos lang ng flag ceremony. Hinihintay lang namin si Sir Led, yung adviser namin and at the same time, teacher namin siya sa first subject.

"Oh"

"Saan tayo kakain mamaya?" tanong niya.

Halos batukan ko siya sa tanong niya, "Ano ba yan famous. Agahan pa lang, tanghalian na agad nasa isip mo"

"Hmp, sa wala ako matanong. Kaya yun na lang tinanong ko"

Humarap ako sa kanya, "Maghanap ka ng kausap mo" sabi ko at humarap ulit sa may white board.

"Joke lang ito naman" sabi niya. Hindi ko siya pinansin kaya naman kinalabit niya ako.

"Ano ba?"

"Nagdate ba kayo ni Angelo?"

Gusto kong mainis sa sinabi niya kaya lang may naisip akong gawin,

"Hmmm.... Bakit mo natanong?"

Nag-isip siya, "Kasi pumunta ako sa bahay niyo nung Sabado kaya lang sabi ni Tita Fe, lumabas ka daw. Kaya bumalik ako sa bahay. At aba habang hinihintay kita, nakita ko. Ng dalawang mata ko hinatid ka ni Gelo"

Napaka-issue talaga nitong babaeng ito, "O tapos?"

Tinusok-tusok niya yung braso ko, "Ikaw ha. May pabestfriend bestfriend pa kayong nalalaman"

Tinampal ko yung kamay niya, "Aray ha" sabi niya pero di ako nagsalita. "So saan kayo nanggaling at inabot kayo ng gabi?"

Sinandal ko yung siko sa armchair ng inuupuan niya. "Hm, bakit mo natanong?"

"Wala. Kasi di niyo ko niyaya" sabi niya. "Nagsm pala kayo, di niyo man lang ako naisip na baka gusto kong pumunta ng SM?" dagdag pa niya at ang istura niya nagtatampo.

"Nagtatampo ka ba kasi di ka naming sinama? O..." nilapit ko yung mukha ko sa kanya, "Nagtatampo ka kasi, ako yung kasama ni Gelo at hindi ikaw"

"YAK!" sabi ni Ely at napatayo. Tinuro-turo ako ni Ely, "I-Ikaw ha! Ano ba yang pinagsasabi mo. NAKAKASUKA"

Tumawa ako, "Sus nakakasuka daw pero namumula yung mukha" sabi ko. "Ang sabihin mo, kinikilig ka. Yiieeee"

"Ha!" napapaypay si Ely sa sarili niya. "Ako kinikilig? In your dreams, Dea Mariz. HINDI KO GUSTO YUNG LALAKING YUN" sigaw niya. 

Tumawa ako kasi namumula na yung mukha niya. "Bakit pikon? Ikaw ha may tinatago ka palang—" hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko ng takpan niya yung bibig ko. 

"Mananahimik ka o lalagyan ko ng tape yang bibig mo"

Kinurot ko yung kamay niya kaya naman tinanggal niya yung kamay niya sa bibig ko.

Tinuro niya ako ulit, "Hindi ko gusto yung bestfriend mong..."

"Bestfriend kong ano?"

"ABNO!" sabi niya at nagwalk out.

Tumatawa ako habang sinundan ko siya ng tingin. Bakit kaya di niya gusto si Gelo? Sa standard naman ni Ely pasok si Gelo. Mukha pa silang aso at pusa ng kapitbahay namin kapag nagbabangayan.

Umayos ako ng upo ng dumating si Sir Led. Bumalik na din sa mga pwesto nila yung mga kaklase ko, pati na din yung katabi ko.

Nagsimula ng magdiscuss si Sir Led kaya ako, kinopya yung mga sinusulat sa board.

Presidente ng NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon