Surprise
You may have failed but you are not a failure.
------
"Bakit kasi hindi na lang sa bahay niyo?"
Hindi niya ako pinansin at nagdire-diretso lang. Napabuga ako ng hangin sa sobrang inis. Nandito kami ngayon sa supermarket sa SM dahil bibili siya ng mga gagamitin niya sa pagbabake.
Nakita kong malayo na ang pagitan naming dalawa kaya naman tumakbo ako papunta sa kanya.
"Jendrick!"
Hindi niya ako pinansin kaya naman hinarangan ko siya. Tumigil naman siya.
"Nasisiraan ka na ba ng ulo ha?"
"Bakit mali ba ang magbake?"
"Hindi iyon"
"Then what?"
"Bakit ba hindi na lang ikaw sa bahay niyo magbake"
"Sasama ka ba?"
"Hindi"
"Then sa bahay niyo" sabi niya at tinuloy ang paghahanap ng mga kailangan niya.
"May mga kilala ka naman sigurong marunong magbake" sabi ko sa kanya habang sinusundan siya.
"Wala"
"Anong wala"
Inis niya akong nilingon. Siguro naiingayan na ito sa akin.
"Hindi ka ba titigil? Ano gusto mo bang bumalik sayo iyong journal mo?"
"Eh kasi naman"
"You know what, just shut your mouth kasi hindi na magbabago ang isip ko. Kapag hindi ka pa tumigil diyan hindi ko ibabalik iyong journal mo"
Tinulak niya yung cart at dumiretso na sa counter. Nakanguso akong sumunod sa kanya. Napakabossy naman nito.
"Jendrick"
"What?!"
Napatalon ako kasi tumaas yung boses niya, nainis na nga.
"Itatanong ko lang kung sa bahay ka ba kakain?"
"If you don't like then I can buy my own food at Jollibee"
"Wag na. Sasabihan ko na lang si Tita Sasha. Ano bang gusto mong ulam?" tanong ko sa kanya kasi mamaya ang tanghalian pala nito ay steak o kaya lechon, de joke lang.
"Anything" sabi niya habang nakatingin sa mga pinabili niya na iniiscan na ng cashier.
Kinuha ko yung cellphone ko at nagtext kay Tita Sasha,
Tita, diyan po kakain yung kaklase ko.
Pagkatapos kong magtext ay binalik ko yung cellphone ko sa sling bag ko. Kanina ko pa napapansin na pinagtitinginan kaming dalawa ni Jendrick. Saktong pagtingin ko sa cashier ay nakita kong nakatingin sa akin yung kahera. Napakunot ako ng noo kaya naman tumingin sa iba yung kahera. Problema nun?
Nang magbabayad na si Jendrick ay binigay niya yung BDO Card niya.
"Hindi ba uso sa iyo ang pagwiwithdraw?" tanong ko.
"I forgot"
"Paano kapag nadukutan ka? Dapat may extra kang pera. Tsk itong batang ito" sabi ko at umalis sa tabi niya. Kinuha ko yung pinamili niya matapos itong ilagay sa paper bag.
BINABASA MO ANG
Presidente ng NBSB
Teen FictionIto ang kwento ng isang babaeng wala atang interes magboyfriend. Ang tangi niyang goal, makasurvive sa highschool ng hindi nakakapagboyfriend. Bakit ito ang naisipan niyang target? Dahil sa highschool life ng isang tao, hindi uso ang NBSB kasi ang u...