Presidente ng NBSB Entry 44: Meeting

408 26 5
                                    

AUTHOR:  I tried my best na makapag-UD ngayon. Anyways may mga natuwa doon sa nangyari sa last two chapters. May napa-nice kay Dea. Iba talaga buhok niya. Ano kaya gamit niyang shampoo? And iyon, keep safe everyone and enjoy reading :)

Meeting

     Yung hindi ka nag-eexpect pero kusang dumadating.

-----

Ako lang ba ang may dalawang manliligaw? I mean yeah may mga taong nanliligaw sa kanila pero madalas yung pinayagan nila.

PAANO NAMAN AKO SIZ? HINDI NAMAN TUMATANGGAP NG NO YUNG DALAWA.

Aminin ko medyo naiilang ako sa dalawa. Nagkaroon ako ng manliligaw dati pero syempre tinatak ko sa isip ko na hindi totoo yung sinabi niya kaya okay pa ang pakikitungo ko sa kanya.

Bukod sa pagiging final MVP ng captain ball ng basketball. Opo, si Jendrick ang nagfinal MVP. Sige payag na ako sa point na iyon dahil kundi dahil sa kanya hindi mananalo ang school namin.

Ayon nga, bukod sa pagiging final MVP niya na usap-usapan sa school. Naging usap-usapan din ang nangyari sa akin. Sa pagdedeclare ng dalawa sa panliligaw.

Nung after na umamin si Gelo hindi siya ang tumabi sa akin, syempre si Ely. Kusa na ring tumabi sa akin si Ely.

Pagkauwi namin sa bahay hindi siya sa bahay nila tumuloy kundi sa bahay namin. At ano pa nga ba ang ginawa niya. Naging Boy Abunda siya ng wala sa oras.

Bakit raw ako tumanggap ng dalawang manliligaw? Aba tinanggap ko ba? Yung isa sa ayaw o sa gusto ko manliligaw siya. Yung isa naman hindi tumatanggap ng hindi. So sabihin niyo sa akin, tinanggap ko ba?

Sa room kinakantyaw nila ako kay Drake lalo na kapag home room. Walang patawad si Sir Led, nakikisali rin siya.

Hindi lang ako sa room nakakatanggap ng kantyaw. At dahil nga tapos na ang training namin ay ang buo kong oras ay nasa SC.

At kapag sinabing SC, nakikisali din sila. Iba ang asar nila sa akin na syempre pinapangunahan ni Christian.

"Anong gamit nating shampoo siz?" yan ang tanong niya sa akin nung minsan.

"Hindi ako naliligo" sabi ko

"Ay dapat na rin ba akong hindi maligo para lapitan ng dalawang gwapo?" asar niya sa akin kaya inirapan ko lang siya.

Maski ang Ninang ko inaasar ako minsan. Buti nga hindi niya pa sinasabi kila Mama, paano na lang kapag sinabi niya diba?

Anong sasabihin ko? Ma may dalawa akong manliligaw pero hindi ako pumayag

Ganon ba dapat? Baka sabihan pa ako ni Mama ng gahaman sa lalaki. Hello DI KO NGA GINUSTO, GUSTO KO BANG MAY DALAWANG NANLILIGAW SA AKIN? AYNA.

Yung isa crush ko, yung isa bestfriend ko. Baka may gusto pang humabol. Nahiya pa kayo sa dalawa.

Ang dalawang iyon dumagdag sa stress ko sa pag-aasikaso ng Intrams niyan, ng research namin. Jusko sinasabi ko na nga ba dito ako tatanda ng maaga.

Isa pa iyang Intrams, nag-umpisa na yung laban sa basketball dito sa school. Ang Basketball lang ang hindi per family ang laban kaya iyon ang tatapusin para finals na lang ang mapapanood sa last day ng Intrams.

Bukod sa mga officers ko, naging alalay ko rin sila Drake at Gelo. Ano pa nga ba part iyon ng panliligaw nila.

Daig ko pa ang may bodyguard, lagi silang nandiyan. Daig pa nila si Mama kung magpadala ng pagkain. Hindi ko nga nagagalaw yung allowance ko dahil sa kanila.

Presidente ng NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon