Presidente ng NBSB Entry 67: Girl's Talk

287 26 1
                                    

AUTHOR: Hello everyone, iiwan ko na rin dito announcement ko para fair. Good News: Ang Presidente ng NBSB ay malapit ng matapos that's why I'll post the last two chapters bilang pasasalamat sa inyong mga readers. Bad news: Matatagalan bago ko agad ipopost yung epilogue but....may but mga kaibigan, iiwan ko sa inyo ang comment section kung ano sa tingin niyo ang magiging ending. And since this is my first story, I will dedicate the epilogue to the person na makakahula or malapit makahula sa ending yehey. Babasahin ko lahat ng ideas niyo. Pwede rin akong kumuha ng ideas galing sa inyo. Thank you and keep safe sa ating lahat

Girl's Talk

Dea Mariz Castro

     Kapag tinamaan ka talaga sa isang tao, mawawala lahat ng standards mo.

-----

"Sigurado ka bang wala kayong gagawin sa school?" tanong sa akin ni Mama.

Pinapanood ko siyang kunin niya ang labahan sa banyo ko. Pinapaikot-ikot ko yung cellphone ko sa aking kamay.

"Opo"

"Baka naman tumatakas ka sa gawain sa school. Nako Dea, hindi porket awardee ka ay hindi ka na papasok"

Sa kabila ng nangyari sa akin, ito siguro ang pinakamagandang nangyari sa akin ngayong highschool ako. Ang grumaduate na kasama sa mga awardee.

Pangalawang araw ko na ngayong hindi pumapasok sa school. Kung kahapon ay okay lang kay Mama, ngayon ay para siyang nagdududa sa akin.

Wala naman talaga kaming gagawin sa school bukod sa maglinis ng room. Ang alam ko ngayon ang start ng practice para sa graduation namin tapos heto ako hindi pumasok. Naturingan na SC President.

Si Ely ang nagsabi sa akin na may praktis pero dahil ayoko pang pumasok ay nag-absent ako ulit. Wala naman ng attendance, siguro. O baka fake news ako.

Pagkalabas ni Mama ay agad akong humiga at tumingin sa kisame. Dalawang araw na akong hindi nagpapakita sa iba. Gaya ng sinabi ko kay Drake, kailangan ko lang bigyan ng space ang sarili ko.

Balak ko naman silang kausapin, lalo na si Jendrick, pero hindi muna sa ngayon. Inaayos ko ang sarili ko, kahit konti lang. Yung hindi ko sila masusumbatan ni Maica.

Ilang minuto ako nakahiga bago ako nagdesisyon na pumunta sa sala. Manonood na lang siguro ako ng kahit ano sa t.v namin.

Pagdating sa sala ay bigla akong napatigil ng makita doon si Maica. Anong ginagawa niya dito? Hindi ba siya pumasok? Malamang kung pumasok siya ay wala siya dito.

Napatayo si Maica ng makita ako. Walang umimik sa aming dalawa at pareho lang kaming nakatingin sa isa't isa. Habang nakatingin sa kanya, doon ko napagtanto na walang-wala ako sa kanya.

Ito yung babaeng kinahuhumalingan ng gusto ko.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Pwede ka bang makausap Dea"

Alam ko naman na darating itong panahon na makakausap ko siya. Pero hindi ko lang inaasahan na siya pa ang lalapit sa akin para kausapin niya ako.

Hindi ako nagsalita pero sinenyasan siyang sundan ako. Pumunta kami sa likod ng bahay, medyo malayo kami sa isa't isa. Wala agad nagsalita sa aming dalawa. Nagpapakiramdaman kung sino ang mauuna.

Huminga ako ng malalim. Magtatanong pa lang sana ako ng magsalita siya, "Sorry kung hindi ako nagsasalita tungkol sa sarili ko"

Tumingin ako saglit sa kanya pagkatapos ay tumingin sa harap. Hinayaan ko na lang siya na magsalita.

Presidente ng NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon