School Paper
Isa sa inaabangan ng mga estudyante ngayon ay ang pagrelease nang newspaper ng club na The Lamp. Ang The Lamp ang nagsusulat ng article about sa school at sila ang nagrerelease ng school paper. Ang alam ko nakaschedule silang magrelease ng school paper sa last week ng buwan. Pero dahil may nangyaring event nung August ay nitong first week lang ng September sila nagrelease. At syempre ang issue na nandoon sa school paper ay mga nangyari nung nakaraang buwan.
Ang mga litrato na nasa school paper ay kinukuha nila sa Tech Club. At gaya nga ng sinasabi ko yun ang inaabangan ng iba, para makakuha ng tsismis at syempre yung babae, alam kong kilala niyo kung sino. Inaabangan niya dahil gusto niyang makita yung mukha niya sa school paper.
"Gugupitin ko yon tapos ipapaframe ko" sabi ni Ely.
"Para kang sira" sabi sa kanya ni Gelo.
Napatango ako sa sinabi niya.
"Pake mo ba? Palibhasa isa ka sa mga editor ng school paper. Yabang" sabi ni Ely sa kanya at tinulak ng mahina yung balikat ni Gelo. Pinagpagan ni Gelo yung damit niya at napa-woah kami ni Ely.
Tumawa lang siya sa reaction namin. Si Gelo, na aking bestfriend ay part ng The Lamp at gaya nga ng sabi ni Ely, isa siya sa mga editor ng school paper bago ito ipublish sa school. Kasama niya si Maica sa club na yon, although si Maica ay hindi editor kundi writer.
Ngayon ay papunta kaming apat sa library para kumuha ng newspaper. Doon kasi nila dinadala ang nasabing bagay. Bakit kami pupunta? Kasi hinatak lang naman kami ni Ely at dahil ayaw niyang magpaawat ay wala na kaming nagawa at sinamahan na namin siya.
"Dapat nga di ko papalagyan ng mukha mo yung school paper, baka masira lang yung araw ng mga estudyante kapag nakita yung pagmumukha mo"
"Ay napakayabang talaga Angelito, halika nga dito" sabi ni Ely at pinatunog niya yung mga daliri niya.
"Ayoko nga. Bakit ako lalapit? Aso mo ba ako?"
"Oo!"
"Di mo ba pipigilan yan dalawang yan?" tanong sa akin ni Maica.
"Hayaan mo sila. Dapat ka ng masanay"
Pagdating namin sa library, ay pumunta kami sa desk ng librarian. Buti na lang at yung assistant niya ang nadatnan namin. Napakasungit kasi nung librarian dito.
"Ano yon Miss President?" tanong sa akin ng assistant.
Sa ilang buwan kong nandito at nakaupo sa posisyon ng SC. Iyan na ang tawag sa akin ng mga estudyante dito maski ng ibang staff ng school. Nung una, iilan lang ang tumatawag sa akin ng ganon pero ng marelease yung newspaper ngayon. Mukhang namumukhaan na ako ng iba.
"School paper po. Apat" sabi ko at sumenyas siya ng sandali at umalis sa pwesto niya.
"Gelo. May picture ba kami doon?"
Tumango siya, "Yun din ang request ni Sir Bacsa para makilala raw kayo ng mga estudyante. Although yung iba kilala na talaga" sabi niya.
Kaya naman pala sana matino yung picture ko. Teka, "Anong picture yung ginamit niyo doon?"
"School ID" sabi niya kaya agad akong napatingin sa ID ko. "O bakit?"
"Waaaaahhhh. Gelo naman, ang pangit ko doon"
Tumawa siya, "Hindi ka pangit. Ang cute mo nga doon" sabi niya tapos pinisil niya yung pisngi ko.
Nakakainis naman. Hindi pa sila manghingi ng picture sa amin. Ang dami kong matinong picture, bakit ID pa
BINABASA MO ANG
Presidente ng NBSB
Novela JuvenilIto ang kwento ng isang babaeng wala atang interes magboyfriend. Ang tangi niyang goal, makasurvive sa highschool ng hindi nakakapagboyfriend. Bakit ito ang naisipan niyang target? Dahil sa highschool life ng isang tao, hindi uso ang NBSB kasi ang u...