Presidente ng NBSB Entry 7: The Beginning

595 28 0
                                    

The Beginning

"Paanong? Dea, sandali" sabi ni Ely.

Patapos na ang araw na ito at pakiramdam ko ay ilang araw ang lumipas dahil sa dami ng nangyari. Una, dito nag-aaral ang dalawang lalaking hindi ko sinasadyang makilala. 

Pangalawa, sa unang pagkakataon, narinig kong nagsalita si Jendrick, na akala ko ay pipe o bulag dahil parang di niya ako nakikita. 

Pangatlo, hindi ko inaasahan na agad-agad kong makikita si Ian dito sa eskwelahang ito. Umasa ako na lilipas muna yung ilang araw bago kami magkasalubong pero hindi pa natatapos ang first day ay nakita ko siya.

"Long time no see, Dee"

Hah! Hindi ko alam ang ano ang dapat kong maramdaman nung tinawag niya akong ganon. Hindi ko alam kung dapat akong mainsulto, sa kabila ng mga ginawa niya, may gana pa siya akong tawaging ganon.

"Dea! Ano ba kinakausap kita"

Kanina ko pa iniiwasan si Ely, sa room hindi ko siya kinausap o pinansin. Alam kong madami siyang tanong pero hindi ko pa kaya ngayong sagutin ang lahat ng iyon. O mas magandang sabihin nating hindi pa ako handang harapin lahat ng nangyayari sa akin. 

Bakit ba kasi ako pumayag na lumipat doon? Bakit ba kasi hindi na lang ako nagstay sa school ko. At higit sa lahat, bakit nakalimutan kong ang taong ayaw kong makita ay doon nag-aaral, sa eskwelahang nilipatan ko.

Pagdating sa paradahan ng mga sasakyan ay sumakay ako agad ng tricycle. Sumunod si Ely sa akin. Tumigil siya sa ginagawa niya kanina, malamang ramdam niyang ayaw kong magsalita. Huminga ako ng malalim.

"Sorry" yan lang ang sinabi ko at di na ako ulit nagsalita ng umandar ang tricycle hanggang sa makarating kami ng bahay. Bumaba ako ng tricycle ng walang sinasabi, o di man lang nagpaalam kay Ely. Pagpasok ko sa bahay nadatnan ko ang kapatid kong naglalaro na naman ng tablet niya. At ako, dumiretso sa kwarto ko.

Humiga ako at tinitigan ang kisame sa kwarto ko. Hindi pa ako nagpapalit ng damit, dahil pagod na ako. Pagod ang katawan ko pati na din ang isip ko.

Pipikit na sana ako ng tumunog yung cellphone ko. 

*Phone ringing*

Iniwan ko pala ang cellphone ko dito sa bahay dahil tinatamad akong pumila para isurrender ang cellphone ko sa school. Kinuha ko yung cellphone ko sa drawer na katabi lang ng kama ko. Sinagot ko ito ng hindi tinitingnan kung sino ang tumawag.

(Asa bahay ka na?)

Si mama lang pala, buti na lang sinagot ko dahil malilintikan pa naman ako kapag hindi ko sinasagot tawag ng magulang ko.

"Opo. Bakit?"

(Dagdagan mo yung sinaing ha. Uuwi si Papa mo)

Hindi agad naproseso ng utak ko yung sinabi ni Mama.

"Uuwi si Papa?" tanong ko.

(Oo kaya magsaing ka na. May dalang ulam si Papa niyo) 

Pinatay ni Mama ang tawag. Kahit parang ayaw kong tumayo ay tumayo ako at nagpalit ng damit. Pagpunta ko sa kusina ay agad akong nagsaing sa rice cooker. 

Baka masunog ko lang yung sinaing. Ganon pa naman ako, nakakalimutan ko yung mga importanteng bagay. Hindi ako humuhugot ah.

Pagkatapos kong magsaing ay pumunta ako ulit sa kwarto at binuksan yung laptop. Inopen ko agad yung facebook ko. At nakita kong nagmessage si Ely. Hay nako, nasa lahi niya na talaga ang pagiging makulit.

Sineen ko siya at agad tinawagan gamit ang cellphone ko

(o-em-gee. Bihira ka lang tumawag)

"Alam kong tsismis lang ang habol mo kaya tigilan mo ko" sabi ko

(Ito naman ang hard sa akin. Ang pagtatanong ko ng okay ka lang ay di dahil sa tsimis no. Alam kong ayaw mo pang magsalita kaya nirerespeto ko yun. Tinanong kita ng okay ka lang dahil bestfriend mo ko)

"Okay lang ako. Nabigla lang ako sa nangyari"

(I'm sorry kung pinilit kita kanina)

"Okay na nga diba"

(Ito ang sungit talaga. Pero how come na si Ian yon? I mean, isa ito sa gusto kong itanong sa iyo. Wala kasi akong kilalang Ian na nag-aral doon. Lalo na't kabatch natin"

Huminga ako ng malalim bago nagsalita

"Yun ang tawag ko sa kanya. Hindi Ian ang pangalan niya"

(Kung hindi Ian, e bakit di mo sinabi yung totoong pangalan niya nung minsang sinabi mo siya sa akin)

"Maybe a defense mechanism?"

(I know, alam ko na....)

Tumahimik bigla sa kabilang linya, alam kong di niya ipipilit kung ayaw kong magbigay ng detalye pero naisip ko, nagiging unfair ako sa kanya. Ginagawa ko na naman ito....

"Ian, kaklase siya ni Gelo"

(What?! E bakit di ka pinigilan ni Angelo na lumipat sa school)

"Kasi hindi ko sinabi sa kanyang lilipat ako. Nalaman niya siguro nung binigay yung mga section"

(Alam ba to ni Angelo?)

"Alam niya, alam niya kung bakit ayaw kong lumipat doon. Alam niya din kung sino si Ian. Di ko alam kung dapat ba akong maniwala sa sinasabi niyong destiny pero nakalimutan ko din na  doon pala nag-aaral si Ian. Siguro dahil sa panahon na lumipas? It's been a year na din kaya siguro nakalimutan ko"

(Kung kaklase siya ni Angelo? Sino--)

"Adrian Madrigal"

(Ano?)

"Siya si Ian"

(MADRIGAL?! ANG DATING CAPTAIN BALL NG BASKETBALL TEAM?! SIYA?! SIYA SI IAN?!"

Nailayo ko yung cellphone ko ng biglang sumigaw si Ely, anakbaka yan

"Pwede ba wag kang sumigaw, mababasag yung eardrums ko e"

(Seryoso?)

"Oo nga seryoso ako sa mga sinabi ko"

(Pero parang wala lang sa kanya, Dea. Tinawag ka niyang Dee)

"Alam ko"

(Ibig sabihin kung parang wala lang sa kanya it means ikaw na lang ang hindi--)

"Alam ko" sabi ko, "Alam ko yon at di ka na dapat magulat, alam mo naman siguro kung bakit diba?"

Hindi na nakapagsalita pa si Ely kaya iniba niya na lang yung usapan. Nagpaalam din si Ely at pinatay ko na yung tawag.

Pumunta ako sa kusina para patayin yung rice cooker. Narinig kong bumukas yung gate, kaya sumilip ako sa bintana, andiyan na si Papa.

Agad akong nagmano kay Papa at kinuha yung ulam. Sakto nagugutom na ako

"Kamusta ang first day?" sabi ni Papa

"Okay lang po" sagot ko

"May mga nakilala ka naman na?"

Tumingin ako kay Papa, "Meron po"

"Mabuti" sabi niya at pinat yung ulo ko. "O siya tawagan mo na si Mama mo at kakain na tayo.

Pumunta si Papa sa kwarto nila ni Mama para magbihis,

May mga nakilala akong tao at walang may alam, maski ako na sa pagkakakilala ko sa mga taong ito ang magsisimula ng kalbaryo ko sa buhay ko.

Presidente ng NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon