Presidente ng NBSB Entry 22: Partner

467 27 2
                                    

Partner

Busy ang buwan na ito para sa akin dahil bukod sa preparation para sa Buwan ng Wika at bukod na rin sa matinding training na ginagawa naming mga Volleyball player. Sakit din sa ulo itong darating kong birthday.

Nitong linggo lang ay kinausap ako ni Mama at Papa

"Anong balak mo sa birthday mo?" tanong ni Papa

"Handaan lang" sabi ko.

"Ayaw mo bang magdebut?" tanong ni Mama

"Wag na po sayang—"

"Wag mo kasing isipin yung gastos" sabi ni Mama, "Gusto ko lang naman iparanas sayo iyon, kasi isang beses ka lang naman mage-eighteen"

"Pero okay lang po talaga—"

"Anak" sabi ni Papa at hinawakan yung kamay ko. "Gusto lang namin iparanas sayo lalo na ng Mama mo iyong ganoong birthday"

Nakonsensiya naman ako, pero kasi okay lang naman talaga kahit simpleng handaan lang. May part sa akin na gusto kong matry magdebut pero baka naman mamroblema sila Mama.

"Dea" sabi ni Mama kaya tiningnan ko siya. "Sige na anak. Iba pa din yung naexperience mo iyon, walang pera-pera dito, ang mahalaga. Maging masaya ka sa birthday mo" sabi niya

Huminga ako ng malalim, "Kung yon po ang gusto niyo. Sige po" sabi ko

Kaya eto ako ngayon, hindi ko alam kung sino-sino ang ilalagay ko sa mga 18 ko. Tatlo lang kinuha ko, 18 roses, 18 candles tsaka 18 treasures. Para hindi din ganoon katagal ang birthday.

Speaking of birthday, naalala ko na naman yung kalokohan nila Ely, kung sino daw ang hindi magtatanong tungkol sa paglipat ko. Irereto ako doon ni Ely. As if naman yung nasaktuhang tao ay close niya diba. 

Although ganoon nga, halos tinanong din ako ng mga ofiicers sa SC kung bakit ako lumipat, maski si Miko natanong din iyon. Pero halos lahat sila nagtatanong kung bakit ako lumipat. So, imposible talaga yung sinasabi ni Ely.

Wag kang kabahan Dea, mairaraos mo din ito.

"Aray" sabi ko at nabitawan yung glue gun.

"Tsk" sabi ng nasa harap ko.

Tiningnan ko ng masama si Jendrick, "Kung saan-saan kasi lumilipad yang utak mo"

"Masama bang mag-isip?" sabi ko

Tinigil niya yung ginagawa niya at bored akong tiningnan,

"Kung yung oras mo sa pag-iisip ay nilaan mo na lang diyan sa paggagawa mo edi sana nasa kalahati ka na" sabi niya at itinuloy niya yung ginagawa niya.

Tiningnan ko itong craft na ginagawa namin sa subject naming Contemporary Arts or CA. Wala pa ako sa kalahati. Gagawa kasi kami ng bilog na gawa sa yarn, lalagyan namin ng yarn yung lobo at patitigasin yung yarn. Kapag tumigas na, saka naming puputukin yung lobo. Nagegets niyo ba ako sa sinasabi ko? Or magulo talaga ako mag-explain?

Tiningnan ko yung ginagawa ni Jendrick at nakitang patapos na siya sa ginagawa niya. Napansin ata ni Jendrick na hindi ako kumikilos kaya tumingin siya sa akin.

"Anong tinitingin-tingin mo diyan?" sabi niya

"Psh. Ikaw ba tinitingnan ko? Yang ginagawa mo tinitingnan ko"

"May sinabi ba akong ako yung tinitingnan mo?"

Wala. Pero syempre hindi ko yun sinabi. Psh manigas siya diyan.

Di ko na lang siya pinansin at tinuloy yung ginagawa ko.

Kung paano kami naging magpartner ni Jendrick dito? Hindi ko rin alam kung bakit naging kapartner ko ito. Basta nagulat na lang ako, nang sinabi ni Sir na group yourself in to two. Nagrouping sila, at ang Elyssa na iyon, traydor.

Presidente ng NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon