Presidente ng NBSB Entry 24.1: Buwan ng Wika 2.1

436 24 0
                                    

Buwan ng Wika 2.1

Mabilis lang lumipas ang araw. Sa sobrang dami ng aming ginawa, at sa sobrang busy hindi namin namalayan na kinabukasan na ang nasabing program.

Medyo maraming nagreklamo ng binawi ang announcement tungkol sa pagsisibilyan sa nasabing program. Sabi ni Madam Principal, ang pwede lang suotin ay uniform or p.e uniform.

Syempre si Madam Principal ang nagsabi pero bakit parang kasalanan ko?

"Ate Dea"

Nilingon ko yung tumawag sa akin.

"Oh Faith bakit?"

"Hindi pa po ba tayo uuwi?" tanong niya.

Nilingon ko yung ibang officers at nakita kong natapos yung trabaho na binigay ko sa kanila. Tumingin din ako sa relo ko.

Alas sais na pala

Pumalakpak ako para makuha yung atensiyon nila.

"Okay guys. Iligipit na lahat ng kalat, pagkatapos maglinis pwede ng umuwi" sabi ko at nagsimula na silang kumilos.

Kung tinatanong niyo kung hinintay ba ako ni Ely, ang masasabi ko lang ay hindi.

Kailangan niya raw ng beauty rest. May ganon pa siyang nalalaman, pangit naman siya. De joke lang yung pangit siya. Baka pati kayo ay ibash na ako.

Pagkatapos naming maglinis, nagpaalam na halos yung iba. May masasakayan kaya ako pauwi? Meron yan, kaso baka mahal na pamasahe, lalo na pag special. Sa tricyle mo lang mararanasan na special ka.

After kong ayusin yung gamit ko ay umalis na ako ng room. Syempre nilock ko yung SC Room, lagot ako kay Ninang pag iniwan kong hindi nakalock yung room. Tsaka nandoon yung gagamitin namin bukas.

Masasayang yung effort naming lahat dahil lang sa kapabayaan ko. Pagdating ko sa gate, naabutan ko si Faith na naghihintay, kasama niya yung friend niya.

Ano na kasi name non?

Hala ka Dea, officer mo rin yon hindi mo alam yung pangalan?

Ayon, natandaan ko na, si Alex.

"Sino hinihintay niyo?" tanong ko sa kanila

"Si Kuya po" sagot ni Faith.

"May kapatid ka?"

Tumawa si Faith, "Meron po pero ang tinutukoy kong Kuya ay si Kuya Drake"

Napa-ah na lang ako. Hindi naman siguro ako nagmukhang tsismosa roon diba?

"Ikaw Ate Dea? May hinihintay ka rin?" tanong ni Alex sa akin.

Umiling ako, "Wala. Diretso uwi na niyan ako" sagot ko.

"Pero gabi na po. Delikado umuwi ng mag-isa" sabi ni Faith.

"Nako hindi ko kailangan ng kasama umuwi ano. Strong ata ito" sabi ko at pinakita ko yung muscle ko, na sabi ni Ely sa akin ay buto lang naman nakikita niya dahil sa kapayatan ko.

Biglang may huminto na kotse sa tapat naming tatlo. Bumaba yung salamin ng kotse at bumungad sa amin yung mukha ni Drake.

"Sakay na Faith" sabi niya.

"Isabay na natin si Alex" sabi ni Faith kaya tumango si Drake. Lumingon sa akin si Faith kaya naman lumingon din sa akin si Drake.

"Dea?"

Kumaway ako sa kanya. "Hi"

"Sinong hinihintay mo?" tanong niya. Magsasalita na sana ako ng inunahan ako ni Faith.

Presidente ng NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon