Presidente ng NBSB Entry 56: Retreat: Hide and Seek

290 20 4
                                    

Retreat: Hide and Seek

     Yung bigla ka na lang kinabahan kapag may nagsabi sayo ng, "Uy may nalaman ako tungkol sayo"

-----

"Balik na ako kila Ely" sabi ko kay Maica ng maihatid siya sa kwarto nila. Hindi pa ako nakakalayo ng tinawag niya ako,

"Salamat "

"Wala ka dapat ipagpasalamat"

Umalis na ako doon at chinat si Ely kung nasaan sila. Sinabi niya ang kung nasaan sila at dalian ko raw na pumunta doon dahil may seminar pa. Bumalik ako sa kwarto ni Maica at sinabing may seminar. Sinabi ko sa kanya kung saan at sumunod na lang siya.

Pagdating ko sa may seminar ay chinat ko kung nasaan siya. Nilibot ko ang tingin ko sa loob at sa may bandang harap ay nakita ko si Ely na kumaway. Lumapit ako doon at napatigil ng nandoon sila Khalyl. Katabi ni Miko si Ella. Nandoon din si Adrian, si Gelo. Kumpleto sila.

Sa likod ng pwesto nila Ely ay nakita ko sila Christian. Kasama nito si Camille napansin ko ang bakanteng upuan sa tabi ni Camille.

"May katabi ka diyan Camille?"

Ramdam ko ang tingin nila Ely sa akin. Nagtataka. Wala ako sa mood ngayon, gusto kong wala munang...wala muna yung apat. Lalo ng walang Jendrick.

"Si Maica sana bakit?"

Tumingin ako kila Ely, "Diyan na lang si Maica, dito na lang ako"

Pumunta ako sa tabi ni Camille at doon umupo. Nagtataka pa rin ang tingin ni Ely sa akin. Ngumiti ako sa kanya at sumenyas na umupo na siya. Ngumuso siya at bumalik sa pagkakaupo.

"Anong nangyari?" tanong sa akin ni Camille pero umiling lang ako.

"Gusto ko lang dito"

Nakita kong pumasok si Maica at mukhang hinahanap si Camille. Kinalabit ko si Camille at tinuro ko si Maica. Tumayo si Camille at tinawag si Maica. Nang makalapit si Maica ay sinalubong siya ni Camille. Hinayaan ko silang mag-usap.

Napatingin ako kay Christian ng pumunta siya sa pwesto ni Camille.

"Ayos ka lang?"

Tumango ako. Nang makabalik si Camille ay nagpalit sila ni Christian ng pwesto. Hindi naman umangal si Camille. Nakita kong nag-alangan pa si Maica na umupo kaya lang hinila na siya ni Ely. Nasa kanan ni Maica si Ely at sa kaliwa naman si Gelo.

Nang magstart ang seminar ay doon ko na lang tinutok yung atensiyon ko. Although inaantok ako at minsan-minsan ay papahikab. Nagulat ako ng may lumitaw na candy sa harap ko.

"Nadadamay ako sa hikab mo" sabi ni Jess at ngumiti, "Pampagising"

Kinuha ko iyon at nagpasalamat. Salamat sa candy at nabawasan ang pagkaantok ko.

"Hindi ako sanay na tahimik ka" bulong sa akin ni Christian.

"Alangan magdaldalan tayo dito habang may nagsasalita sa harap"

"Iba yung tahimik mo"

"Inaantok lang"

"Sure ka?"

"Opo"

Hindi na nagsalita si Christian at nakinig na lang. Hindi ko alam kung ilang oras ang seminar. Pagkatapos ng seminar ay binigyan kami ng construction paper at isulat doon ang pangarap namin. May gagawin daw kami pagkatapos nito.

Presidente ng NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon