Presidente ng NBSB Entry 42: First Suitor

412 29 4
                                    

First Suitor

     That's life, that's love

-----

Halos excited ang lahat ng sasama. Syempre hindi kasi sila kasali sa klase, at isa pa hindi ito matatawag na absent, ang narinig ko ay excuse kami lalo na yung mga kailangan talagang pumunta, especially yung club nila Gelo.

Hindi ako nagmadali ngayon dahil MAAGA PA LANG AY BINULABOG NA AKO NI ELY SA BAHAY NAMIN.

Iiwan niya raw talaga ako kapag late. Sinuot namin yung p.e tshirt namin at jeans. Syempre bawal ang ripped jeans.

Nauna nang pumunta yung mga team na nakapasok ng finals. Si Ely ay nakasabit sa braso ko. Tiningnan ko naman siya dahil panay ang tingin niya sa maliit niyang salamin.

"Ano bang ginagawa mo?"

Napatingin siya sa akin, "Nagsasalamin" sabi niya na parang ang obvious nung sagot niya.

"Pagchecheer ang pinunta natin doon hindi pagpapaganda Elyssa"

Hindi niya ako pinansin at panay ayos pa rin sa buhok niya. Napairap na lang ako.

Nakita ko ang paglapit nung tatlo. Sila Alex, Faith at Gerald. Syempre kikay ang itsura ni Faith, si Alex naman, simple lang, hindi talaga ugali nito mag-ayos. Si Gerald, ganon din simple lang pero may dating. Naks talo pa ako ng mga Grade 10.

"Miss President" sabay na sabi ng tatlo.

"Uy" sabi ko. At dahil hindi naman nila kilala si Ely ay pinakilala ko siya doon sa tatlo.

Nagtanong yung dalawa kay Ely, getting to know lang ang peg.

Maya-maya ay tinawag na kami para sumakay sa bus. Hindi na pinaghiwalay ni Ma'am Adele yung mga SC na sasama. Gusto niya ay magkakasama kami kahit na may iba kaming kasama.

Nang pag-akyat namin sa bus ay naghanap kami ni Ely ng pwedeng maupuan. Ayaw ko ng masyadong maharap. Ayoko rin sa pinakalikod.

May tinuro si Ely at sabi niya ay doon na lang kami kaya tumango ako. Pero bago kami makaupo ay may sabay na nagsalita.

"Tabi tayo Dey"

"Dee tabi tayo"

Sabay kaming napatingin ni Ely sa dalawang nagsalita. Si Gelo at Adrian.

"Ahm excuse me pero ako ang katabi niya" mataray na sabi ni Ely

"Kanina pa kayo magkasama kami naman" sabi ni Gelo

"Kayo na lang dalawa ang magtabi" sabi naman ni Adrian at tinuro si Gelo at Ely.

Nagtalo-talo silang tatlo at sumasakit yung ulo ko sa kanila. Napapatingin na din yung ibang kasama namin sa tatlo.

Doon ko lang napansin si Ella na umupo sa harap ng dapat ay uupuan namin ni Ely. Bahala na.

Pumunta ako sa pwesto ni Ella at naramdaman ko yung tingin ng tatlo sa akin.

Walang sabi-sabi ay umupo ako sa tabi niya. Nagtataka naman siyang tumingin sa akin pero ramdam ko iyong awra niya ng pagiging masungit.

"What do you think.."

"Wala ka naman sigurong katabi. Dito na lang ako"

Alam ko na ayaw niya sa presensiya ko. Mas ayaw ko rin sa presensiya niya. Napaismid na lang siya at sinalpak yung earphone sa tenga niya.

Presidente ng NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon