Presidente ng NBSB Entry 14: Captain Ball

473 26 0
                                    

Captain Ball

Nalalapit na ang araw kung saan ako ay gaganda. De joke lang, seryoso na. Nalalapit na ang araw kung saan magpapakilala kaming mga tatakbo sa SC. Isabay mo pa na din yung resulta ng pagtatry-out ko sa volleyball. At higit sa lahat, nasa second week pa lang ng pasok ay ramdam na namin yung mga school works.

"Woy"

Tumabi sa akin si Ely at tiningnan yung ginagawa ko.

"Wow. Naghahanda na sa sasabihin?"

"Malamang. Alangan namang sumabak ako sa gyera ng walang armas diba?"

"Iboboto kita"

"Ikaw ang pumilit sa akin dito na sumali kaya dapat lang"

Nagtaka si Ely, "Huh? Diba sa P.A kita pinipilit?"

"Pinilit mo din ako dito"

"Ay o?" 

"Ay hindi"

Napaismid si Ely sa tabi ko. "Galeng" sabi niya.

"Salamat" sabi ko at tinuloy ulit yung ginagawa ko

Andito kami ngayon sa library at break time namin. Hindi ko na pinairal ang pagiging patay gutom ko dahil madami akong ginagawa. Isa na doon ang paghahanda ng speech, syempre dapat akong..........

Maging prepared. Uy gusto niya ako manalo. Ako din, di ka nag-iisa. Syempre joke lang yon.

"Di ka kumain?" tanong ko kay Ely.

"Kumain syempre"

"Sabagay patay gutom ka naman"

"Mas patay gutom ka famous baka nakakalimutan mo"

"Kung patay gutom ako, edi sana inuna ko kumain"

"Wag ka ng denial, okay? Nagugutom ka ba?" tanong niya sa akin.

Hindi ako umimik. Narinig ko ang pagtayo ni Ely kaya pinigilan ko siya.

"Wag na. Magtatime na din sabi ko"

Bumalik sa pag-upo si Ely, "Bakit hindi ka nagpabili sa akin kanina?"

"Nagmamadali kang puntahan si Angelito mo"

Hinampas ako ni Ely, "Pwede ba tigil-tigilan mo nga pangshiship sa amin" sabi niya. 

"Sus, pag kayo nagkatuluyang dalawa. Sagot ko reception niyo" sabi ko

Tiningnan ko siya at yung itsura ay nandidiri. "Ano pustuhan pa tayo"

Umiling siya, "Sus, natatakot ka lang matalo e" sabi ko. 

Tinaasan niya ako ng kilay, "Hindi ako natatakot" sabi niya. 

"Ode makipagpustahan ka sa akin" sabi ko. "Ayaw mo yun, sagot ko reception"

"Dali na" sabi ko ng di umimik si Ely

"O SIGE NA" sabi niya. Tumingin ang mga tao sa amin. Nakalimutan namin na nasa library pala kami. Nagsorry kaming dalawa.

"Oo ka naman pala. Di mo kailangang sumigaw" bulong ko kay Ely.

"Ikaw kasi ang kulit-kulit mo e" bulong niya din sa akin.

"O basta yung deal. Walang makakalimot" sabi ko. Nagkatinginan kaming dalawa at sabay tumango sa isa't isa.

"Pag hindi nangyari yung sinasabi mo, anong gagawin ko sayo?" sabi niya. Nagkibit-balikat ako, ayoko nga magsuggest. "Ikaw bahala" sabi ko. 

Presidente ng NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon