Presidente ng NBSB Entry 34: Alalay

384 25 2
                                    

AUTHOR: Dedicate to XaDiyesaPangan. Natuwa ako sa comment niya kasi para raw siyang si Dea :D. At dahil diyan, eto na yung hinihintay niyang chapter. Enjoy this chapter and stay safe sa ating lahat :)

Alalay

     When people appear in your dreams, it's because that person wants to see you.

----------

Masarap talagang matulog kapag wala kang gagawin. Buti na lang walang pina-assignment sa amin at wala kaming training ngayon. Hihihihi.

Nagtaka ako ng makita ko si Jendrick, anong ginagawa niyan dito?

Pero maya-maya ay nakaramdam ako ng pagkahilo. Tae panaginip lang pala, kinilabutan naman ako doon. Anong ibig sabihin nun?

Lumala yung pagkahilong naramdaman ko. May yumuyugyog sa balikat ko. Psh sino ba ito?

"Dea, may bisita ka"

Si Tita Sasha lang naman pala. Nasa hospital pa rin si Mama at binabantayan siya ni Papa kasama si Darryl. Iniwan ako ng kapatid ko mag-isa dito sa bahay, hmp. At dahil mag-isa ko lang ay pinabantayan ako ni Papa kay Tita Sasha.

Hinila niya yung kumot ko pero kinuha ko pabalik iyon at hindi bumangon sa higaan.

"May bisita ka sa baba"

Sumenyas ako ng iidlip ako saglit, "5 minutes Tita" sabi ko.

Narinig kong umalis si Tita sa kwarto ko. Sino naman kaya iyong bisita ko na istorbo sa tulog ko. Hinayaan ko na lang iyon.

Nararamdaman ko ng mahuhulog na ako ulit sa tulog ng biglang tumunog yung cellphone. inis kong kinuha iyon at sinagot ng hindi tinitingnan kung sino yung tumawag.

"Ano!?"

(Anong ano? Really? I told you that you should go on the meeting place at 8 am sharp)

Dahil inaantok pa ako ay hindi gumagana ang utak ko kapag ginising ako, pero pamilyar yung boses.

"Sino ba ito?" masungit kong sabi.

"Get up sleepy head" sabi ng nasa kabilang linya pero parang may narinig akong boses sa loob ng kwarto ko.

Napatingin ako sa gilid ako.

"WAAHHHHHHH!!!!!"

Sa sobrang gulat ko ay naihagis ko yung cellphone sa kanya. Nasalo naman niya iyon at tiningnan ako na parang bored na bored siya.

"Anong ginagawa mo dito?" sabi ko sa kanya ng mahimasmasan sa nakita ko.

Anong ginagawa ni Jendrick dito?

"Sinusundo ka mahal na presidente"

Sinusundo? Anong? Pinalo ko yung ulo ko ng marealize na may pupuntahan pala ako ngayong sabado. Wala kasi yung journal ko dahil doon ko nilalagay yung mga schedule ko.

"Diba sa plaza mo ko hihintayin?"

"Kung hindi kita pinuntahan dito sa bahay niyo baka kanina pa ako naghihintay doon"

Tumingin ako sa orasan at nakitang 8:30 na.

"Paano mo.."

"I have my ways. Now go and fix yourself" sabi niya at umalis sa loob ng kwarto ko.

Presidente ng NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon