Ticket
Sa mga sumunod na araw ay ganoon pa rin naman ang senaryo. Muntik akong malalate, babatukan ako ni Christian, at syempre hindi mawawala ang pagkapanalo namin.
Although hindi kami umabot ng finals, hanggang semi-finals kami. Syempre hindi ko sasabihing lang iyon, siz semi-finals din yun. Syempre nandoon ang panghihinayang pero atleast may baon kaming mga graduating.
Masyadong malakas yung huling nakalaban namin, DCT pa naman, at hindi sila halatang highschool student sa sobrang tangkad. Pero natalo naman sila ng Moncada Highschool. Balita ko yung star player nila doon ay kinukuha ng UAAP School, nice nice.
At dahil wala na kaming laban ay syempre pumasok na kami ng school. Kung hinahanap niyo ang team ni Dela Cruz at ni Christian. Sila naman ang umabot ng finals pero ngayon ay papasok rin sila dahil ang laban nila ay last day ng event.
"Sayang kayo famous" sabi ni Ely at kinagatan yung sandwhich na binili niya.
"Okay lang atleast umabot kami ng finals" sabi ko
"Congrats" sabi ni Maica kaya ngumiti lang ako.
"Nasaan pala si Gelo?" tanong ko
"Pinatawag ni Sir Bacsa pinapaasikaso yung next issue" sabi ni Maica
"E bakit wala ka doon?"
"Mga editor lang ang pinatawag. Tungkol ata iyon sa magaganap na finals niyan"
Tumango-tango ako at kumagat sa tinapay ko. Habang kumakain ay napansin ko sila Faith na parang may hinahanap.
Anong ginagawa nung dalawang magbestfriend? Ang alam ko tapos na iyong break nila?
Nang dumako ang tingin sa akin ni Faith ay kinalabit niya si Alex at tinuro ako. Nang makita ako ng dalawa ay dali-dali silang pumunta sa akin.
"Kanina ka pa namin hinahanap" sabi ni Faith at napatingin sa dalawa kong kasama.
Tumigil ang tingin niya kay Maica, tinitigan niya ito ng mabuti. Nakita ko pang sumingkit yung mata ni Faith, parang may inaalala. Pero mukhang hindi niya mapiga ang utak niya dahil nakita ko pang tinagilid ni Faith ang ulo niya.
Nilipat ni Faith yung tingin niya sa akin, "Mamaya raw ay may meeting tayo"
"Para saan?"
"Sinabi lang ni Ma'am Adele"
Tumango ako sa kanya, iniabot ko iyong susi sa kanya. "Ikaw na muna ang magbukas ng SC room baka matagalan na naman sa home room si Sir Led" sabi ko
Kinuha niya iyon at nagpaalam silang dalawa sa amin.
Nang umalis sila ay saka ko tinanong si Maica, matagal ko na itong gustong itanong.
"Maica" tawag ko sa kanya, kaya naman nilingon niya ako.
"Hmm"
"Ano yung totoong pangalan mo?" tanong ko. "Alam ko na Maica ang nickname mo pero yung totoong pangalan. Hindi ko kasi matandaan na may Maica akong napansin sa section ni Gelo" sabi ko.
Natigilan naman si Ely sa pag-nguya at tumingin kay Maica. Naalala ko yung sinabi ni Ely sa akin nung nag-group study kami, wala siyang matandaan na may Maica Sotes nung junior high.
Paano niya malalaman e hindi naman kasi Maica ang pangalan ni Maica. Ewan minsan di rin ginagamit ni Ely yung utak niya, joke HAHAHAHAHA. Baka pag narinig ako nito ay makatanggap ako ng kurot sa kanya.
BINABASA MO ANG
Presidente ng NBSB
Teen FictionIto ang kwento ng isang babaeng wala atang interes magboyfriend. Ang tangi niyang goal, makasurvive sa highschool ng hindi nakakapagboyfriend. Bakit ito ang naisipan niyang target? Dahil sa highschool life ng isang tao, hindi uso ang NBSB kasi ang u...