Presidente ng NBSB Entry 64: I Fall

302 25 7
                                    

I Fall

     ILY? Inuuto Lang You

-----

Why do people still long for the love even if they know they'll get hurt? Because they want to take risk kasi baka sakaling bumalik yung pagmamahal na binibigay nila. In short, nandoon yung pagbabakasakali. Sabagay hindi mo naman malalaman kung hindi mo susubukan.

Sa laro ng pag-ibig dapat matatag ka, kaya mo yung sakit, kasi kapag hindi. Talo ka agad.

Kasabay ng busina ng sasakyan ay siyang may humila sa akin. Abot langit ang kaba ko dahil doon. Muntik na ako. Muntik na akong madisgrasya.

Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Pati ang paghinga ko ay mabilis rin. Doon ko naisip sila Mama. Ano bang ginagawa ko?

"Balak mo bang magpakamatay?!"

Dahan-dahan akong lumingon at nakita si Drake. Doon nagsink-in lahat sa akin ang nangyari. Totoo nga ang sinabi ni Ella. Pero bakit? Bakit kailangan nilang gawin yun sa akin?

Halos matumba ako kung hindi lang ako naalalayan ni Drake. Tatanggalin ko na sana ang pagkakahawak niya sa akin ng makita ko sila Ely. Kasama niya sila Jendrick at Maica.

Umiling-iling ako at tumingin kay Drake, "Ilayo mo ako dito. Please"

Huminga siya ng malalim at hinila ako paalis. Nakita ko na lang ang sarili kong nakasakay sa sasakyan niya. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at hindi nagsasalita. Hindi rin nagsasalita si Drake.

Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko. Napatingin ako doon at tumatawag si Ely. Hindi ko iyon sinagot at pinatay ang cellphone ko.

Hindi ko alam kung ilang minuto ang byahe namin basta tumigil kami sa gilid ng tulay. Bumaba ako ng kotse. Narinig ko rin ang pagbaba ni Drake.

"Dinala mo ba ako dito para makitang tumalon ako dito?"

Hindi siya umimik. Napatingin ako sa sapatos ko. Una kong tinanggal yung nasa kaliwa sunod ang kanan. Buti nakayanan kong tumakbo ng nakaheels.

"Pwede kang sumigaw dito"

Napatigil ako sa sinabi niya at dahan-dahang tumingin sa kanya. Nakatingin siya sa harap habang hinahangin ang buhok niya. 

"Ilabas mo lahat dito"

"Bakit ka ganyan?"

Napatingin siya sa akin. "Bakit ka ganyan?" pag-uulit ko sa tanong ko.

"This is my way of saying sorry for everything. Sorry if I didn't tell you. Hinayaan ko si JC sa ginawa niya"

Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Dahan-dahan siyang ngumiti, "You can cry now"

At parang iyon na lang ang hinihintay ng katawan ko at naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko. Tumingin ako sa harap at tumingala. Gusto kong pigilan yung sarili kong umiyak pero hindi ko kaya.

Sana pala hindi gown sinuot ko. Nagp.e sana ako, di naman kasi ako nainform na laro lang pala ang lahat ng ito.

Diba madali lang ang manloko, lalo na kapag hindi mo gusto yung tao. Pero masakit ding maloko. Lalo na kung ang nanloko sayo ay yung taong sineryoso mo.

Minsan talaga may taong darating sa buhay natin, para paasahin tayo. Gusto kong ihagis itong sapatos kaya lang baka mapagalitan ako ni Mama.

Presidente ng NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon