DEA
Dea Mariz Castro
Ngayong summer: No Class, No Cash, No Crush
Ano bang klaseng post ito? Imbes na magpahinga ngayong summer o kaya magrelax e inistress nila yung sarili nila diyan. Tsaka hello, malapit na kaya ang pasukan. Di makapaghintay?
Ang gulo talaga ng isip ng tao ne. Kapag may pasok, tinatamad pumasok. Kapag walang pasok, gustong-gusto pumasok. Yung totoo?
"Huy!"
"Ano ba"
Tumabi sa akin si Ely at tumingin sa laptop, "Tama"
"Ano namang tama sa post na yan ha?"
"Bakit? Totoo naman, pag summer walang pasok, walang pera at higit sa lahat walang crush"
"Tinagalog mo lang yung post" sabi ko sa kanya
"Bakit ba? Gusto kong tagalugin e. Lagi ka na lang nambabara. Nagpapakabitter ka na naman"
Nilog-out ko yung account ko at humiga sa kama ko. "Anong bitter doon? Pumasok lang naman ata kayo sa school dahil diyan sa crush crush na yan."
Tumabi sa akin si Ely sa pagkakahiga, "Alam mo famous, nakakatulong din ang crush sa pag-aaral, alam mo kung bakit?"
"Hindi e. Kaya sabihin mo"
"Hmp. Kasi may inspirasyon ka. Diba pag may inspirasyon ka, mas mamomotivate kang mag-aral?"
"Pwede namang magulang ang gawin mong inspirasyon e"
"Iba na ang panahon ngayon"
Paano nag-iba? Di ko gets. Kunyare nagets ko na lang. "Pwes ayaw ko garod sa panahon nagyon. Nakakadistract lang yang ganyan. Tingnan mo pag-broken ka. Di kakain tapos di ka focus sa pag-aaral. Minsan nga pababayaan mo na yung pag-aaral mo kasi nga sobra kang nasaktan"
"Depende sa tao yan"
Tumingin ako sa kanya, "Sabihin na natin na depende yan sa tao. Desisyon pa din nila ang masusunod. At isa pa, sige nga tatanungin kita, pag ba nasaktan ka magiging masaya ka pa? Na kaya mo yung sakit? Baliw ka na pag ganoon, o kaya naman hindi mo minahal yung tao."
Tumayo si Ely sa pagkakahiga at pameywang na humarap sa akin, "Bakit ba ang bitter mo? Ang pessimistic mo mag-isip"
Tumayo ako, "I'm just being realistic here. Isipin mo yung mga posibleng mangyari. Hindi yung nag-iimagine ka pa ng kung ano-ano kaya nasasaktan e. at isa pa..." Inayos ko yung kama, "Hindi ako bitter, ayoko lang nang nakakakita ng naglalandian sa paligid"
Umirap si Ely, "Tama na suko na ako, kelan ba ako nanalo sa sagutan nating dalawa? Lagi na lang"
"Sorry ka na lang" sabi ko sa kanya.
Umiling si Ely sa akin at nagulat ako ng bigla niyang isabit yung braso niya sa braso ko, "Pero alam mo excited akong magpasukan. Buti na lang napilit ko si Tita na lumipat ka sa school namin."
Isa pa itong lipat-lipat na yan. Last year na nga lang sa highschool lilipat pa. Sayang lang sa uniform, si mama kasi. Di niya din kasi matatangihan si Ely.
"Malay mo doon ka na magkaboyfriend diba?" Tinaas-taas ni Ely ang kilay niya habang nakangisi.
Umirap ako at tinanggal ko yung braso niya sa braso ko, "Sinabi nang wala pa sa isip ko yan diba?"
"Aysus kakainin mo din yang sinabi mo. At isa pa baka nakakalimutan mo.."
Bago pa niya matapos yung sasabihin niya ay pinutol ko na, "Ops, saan-saan na naman nakakarating yang sinasabi mo"
BINABASA MO ANG
Presidente ng NBSB
Teen FictionIto ang kwento ng isang babaeng wala atang interes magboyfriend. Ang tangi niyang goal, makasurvive sa highschool ng hindi nakakapagboyfriend. Bakit ito ang naisipan niyang target? Dahil sa highschool life ng isang tao, hindi uso ang NBSB kasi ang u...