Presidente ng NBSB Entry 31: Emergency

364 22 0
                                    

Emergency

          Our parents not perfect. But they make our lives feel perfect and complete

-----

"Can you talk to him once, Ate Dee"

Hindi ako agad nakaimik sa sinabi ni Alex. Dapat bang ngayon? I mean nakapagdesisyon naman na ako na kakausapin ko si Adrian pero hindi ngayon.

Bakit ko nga ba inuuna si Jendrick?

Napatingin kami sa cellphone ko ng bigla itong magring. Nag-excuse ako kay Alex at sinagot yung tawag.

"Hello"

(Nasaan ka ngayon?)

"Nandito kila Faith bakit?"

(Si Tita Fe....sinugod sa ospital)

Napatulala ako sa sinabi ni Ely,

(Hello?....Dea?)

"Ate Dea"

Dali-dali kong inayos yung gamit ko. Hindi ko pinansin si Alex at patuloy sa pag-ayos ng gamit.

Napatingin ako sa kamay ni Alex, kanina pa niya kasi ako tinatawag pero hindi ko siya pinapansin. Ang gusto ko lang makaalis na dito at pumunta kung saan dinala si Mama.

"Ate"

"M-may dumadaan bang sasakyan dito?" tanong ko

"Oo pero madalang lang"

Napaupo ako ng marinig iyon. Naihilamos ko yung kamay ko sa mukha ko dahil sa frustrated.

"Bakit Ate?"

"Si Mama.." hindi ko na naituloy yung sasabihin ko. "I need to go Alex.."

Biglang sumulpot si Faith kasama sila Drake.

"Ate...Dea...Anong nangyari dito?"

"Kailangan niya nang umalis si Faith mukhang may emergency"

"Ha? Paano yan, wala si Manong" sabi ni Faith.

Kung minalas-malas ka nga naman. Napatingin ako sa cellphone ko na hawak ko ngayon. On-call pa rin si Ely,

"Ako na ang maghahatid sa kanya" sabi ni Drake pero agad na umalma si Jendrick.

"You can't leave Drake, may praktis pa tayo"

Tama naman si Jendrick, pwede ko namang hintayin yung driver nila Faith pero gusto ko na kasing pumunta doon.

"Pero.."

"Let Adrian do it"

Napatingin ako kay Jendrick ng sabihin niya iyon. Nakatingin siya sa akin pero wala akong mabasa sa mukha niya. Ito yung ayaw ko kapag nakikita ko siya, hindi ko alam kung ano yung tumatakbo sa isip niya.

Doon ko napansin si Adrian na kasama pala nila.

"Okay lang ba yon?" tanong sa akin ni Jendrick.

Napalunok ako at tumango. Wala ka ng time para mag-inarte Dea, kailangan mong makapunta doon as soon as possible.

Tumayo ako at kinuha yung gamit ko ng lumabas si Adrian. Nagpaalam ako sa kanila, humingi din ako ng sorry kay Faith, kasi maaga akong aalis, at sa.....

Presidente ng NBSBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon